Style ko bulok



Ayoko ng dress. Ayoko ng palda. Ayoko ng maikling short. Ayoko ng high heels. Ayoko ng damit na may style. Ayoko magmake up. Ayoko nang . . . . . maging babae, biro lang. Natural lang sa babae ang pumorma at magpaganda. Pero minsan ang complicated talaga lalo na sa porma.

Kamakailan lang ay sinamahan ako ng kaibigan ko na bumili ng damit. Sya ang tumayong stylist ko ng araw na yun. At ang masasabi ko lang ay ang dami nyang alam. Bakit pa bibili ng magandang damit kung pwede namang simple lang para makatipid. Akala mo nga sya ang magbabayad eh. Kinacareer nya ang pagiging stylist.

Siguro kung hindi ko sya kasama non ay kung anong tshirt na lang ang dinampot ko non. As in simpleng tshirt lang. Di naman kasi ako maporma eh. Kaso lang kasama ko sya. Maporma pa naman yun. Kung hindi ko sya kasama malamang hindi ako aabutin ng isang oras o mahigit sa department store para lang makahanap ng damit.

Hindi naman ako mahirap hanapan ng damit dahil parang kahit anong isuot mo sa kin ay babagay (ang yabang) yun nga lang ayoko talaga ng mga pang-gurlalu na damit. Hindi ako komportable. Kaso itong stylist ko gustong baguhin ang style ko para maiba naman daw. Magbabagong taon na kaya dapat bago na rin ang style ko. Magdidisiotso na kaya dapat pumorma ng pangdalaga.

Sinunod ko ang stylist ko pero kada dampot nya ng damit ay pinipintasan ko.. hehe. Maganda naman kaso hindi ko talaga type. Masisiraan na ata sya ng bait dahil ang tigas ng ulo ko. Kada damit ay tinatanggihan ko dahil di ko gusto. Kung anu-anong pinagsususukat namin hindi naman pala bibilhin..hehe.

Hanggang sa napadpad kami sa tyangge. Doon din pala ang bagsak namin. Ayoko kasi ng branded na damit, mahal at hindi ako mayaman. Sa wakas at nakabili ako ng damit yun nga lang panggurlalu pero hindi sya yung katulad nung picture sa taas huh. Grabe, inuto pa ko ng tindera para lang bilhin yun. Di ko na sasabihin kung anong mga pinagsasabi nya dahil baka maniwala pa kayo.



Naisip kong bakit may mga babaeng napakaarte pagdating sa damit? Sa porma? Bakit hindi ako katulad nila? Bakit kailangang magpaganda? hehe. kailangan ba yun sa buhay? Ako ba si Sunako? haha.. Natutunaw na ko... arrghhh...

Hindi ko alam kung mababago ko pa ang style kong bulok. Pero wala yan sa damit, sa ngdadala yan ng damit. Maganda nga ang damit mo kung pangit naman ang ugali mo, wala ring kwenta.

Love at first sight

Una pa lang kitang nakita nagustuhan na kita agad. Pinakilala ka sa kin ng kaibigan ko tapos nagkwentuhan tayo. Yun nga lang nabitin ako sa kwentuhan natin dahil umuwi na kami agad. Sa kagustuhan kong masilayan kang muli ay nakipagkita ako sa yo. Hindi ko alam kung bakit sobra ang paghahangad kong makita ka.

Marami akong nalaman tungkol sa yo. Sobrang napabilib mo ko. Feeling ko nahuhulog na ang loob ko sa yo. Simula nonn lagi na kitang naiisip. Di na ko makapaghintay na makita ka ulit. Nakakaadik ka pala.

Nagkadevelopan tayo. Naging close. Lagi kitang tinititigan. Kulang na lang ay maging tayo na. Yun nga lang bata pa ko noon. Maybe 11 or 12? Hindi pa pwede. But still I spend my time with you.

Pag tuntong ng high school lalo tayong napalapit sa isa't-isa. You always help me in my assignnments, projects and reports. Ang talino mo rin pala. With your help tumaas ag mga grades ko.

As time goes by marami nang nagbago. Sa kabusyhan ko ay nakalimutan na kita. At yun nga, may bagong nagpatibok ng puso ko. Feeling ko sya na talaga ang gusto ko. Unti-untinng nalayo ang loob ko sa yo.

Nagulat na lang ako nang magkolehiyo ako ay ipinagpilitan ka sa kin ng magulang ko. Ang sabi may magandang future daw ako sa yo pero aanhin ko naman yun kung di na ko masaya sa yo? Sinubukan kong mapalapit muli sa yo pero lalong naging complicated ang sitwasyon natin. Nakakasawa kasi ikaw palagi ang kasama ko. Tapos nagulantang ako sa mga natuklasan ko sa yo. Bakit ba ngayon ko lang nalaman ang mga iyon?! Hindi na kita maintindihan. Kaya naman hindi na kita masyadong sinasamahan. Feeling ko susuko na ko dahil sa yo. Paano na yung mga pinagsamahan natin dati? Ang saya-saya ko noon pag kasama ka pero ngayon nakakairita ka na! Dati lagi kitang tinititigan pero ngayon ang sakit mo na sa mata!

Hanggang kailan ba kita pagtitiisan? Hindi tayo magkalebel. Hindi rin tayo bagay. Ikaw lang pala ang bagay dahil wala kang pakiramdam! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko dahil tao ako at Computer ka lang!!

UTANG NA LOOB MAKISAMA KA NAMAN! COMPUTER DAGDAGAN MO PA NG SCIENCE! SINO BA NAMANG DI SASAKIT ANG ULO NON?!



Nagrereklamo,
Bai

Best friends are the best lovers


Nabasa ko ‘to sa isang libro, “Bestfriends are the best lovers” as in more than friends. Totoo ba yun? Siguro. Hindi yun naiiwasan sa magkaibigang babae at lalaki. Nagsisimula naman talaga sa pagkakaibigan ang relasyon.

Parang ganito lang yan eh, kunwari may bestfriend akong lalaki tapos more than friends ang nararamdaman ko sa kanya, as in love ko na sya . . . pero hindi nya yun alam. Lihim akong may pagtingin sa kanya. Natatakot naman akong umamin dahil baka masira ang pagkakaibigan namin kaya hanggang magkaibigan na lang kami.

Ganun ang mga eksena sa drama at libro. Bakit sa dinami-dami ng mamahalin ay bestfriend mo pa?! (Teka, lilinawin ko lang, wala akong gusto sa mga kabigan kong lalaki. Friends lang tayo. Promise! Haha, nangako pa sa blog)

Rewrite

Iniisip ko kung irerewrite ko yung kwentong pinasa ko sa isang publishing company na nareject. Grabe, hindi pa rin makamove on eh noh? Haha. Si RM (Rejected Manuscript), gusto ko syang iopen sa laptop ko at basahin ulit pero ayoko pa sya makita kasi dismayado pa ko. Feeling ko pinaglalamayan ko sya at feeling ko brokenhearted ako. Gusto munang makarecover at makamove on bago ko sya balikan. Di ko pa sya handang harapin! (drama)

Hindi ko alam kung babaguhin ko ba sya o babalikan kahit na feeling ko wala na syang kwenta. Sabi ng Pumuna wala namang espesyal sa bida kong babae. Anong wala?!! Matyaga sya, masipag, lovable, hindi ba niya nakikita yun?! Para ngang masyado nyang tinitira yung character ko pero sabagay ganun naman talaga yun. Pero kailangan ba maging perfect yung bida ko? Mukha daw ewan yung babae. Eh mas mukhang Ewan pa nga si Gominam kaysa sa bida ko. Ang engot ni Gominam at ang slow-slow pa, as in slow makagets. Lahat naman ng bida may kakulangan at minsan mukhang Ewan. Tama na, masyado ko nang pinagtatanggol yung bida ko.

Next na reklamo….


Yung Pumuna, tuod ba sya? Hindi daw sya nakaramdam ng kilig. Natabangan sya sa romansa! Manhid ba sya?! Dinagdagan ko na nga yun ng mga nakakakilig na moments kahit nasusuka ako sa mga pinagtatatype ko dahil ayoko ng mga ganun pero hindi nya pa rin naappreciate. Anong romansa ba gusto nya?! Yung x rated? Siguro yung Pumuna eh isang matandang dalaga/binata, virgin, single, naloko ng lalaki/babae, nabrokenhearted kaya naging bitter at di nakakaappreciate ng mga romance at hindi kinikilig.

Arrggghh!



Siguro ganun talaga. Masakit talaga ang katotohanan. Nakakaisang reject pa lang ako pero ganito na ko magreact. Paano na lang kaya sa mga next kong pasa? Si Pearl nga nakaapat na, ganito rin kaya naging reaksyon nya. Siguro hindi, mukha naman kasing walang pakealam yun eh. Maaaring umiyak sya nung umpisa pagkatapos nun wala na.. hehe (lagot ako pag nabasa nya ‘to)

Siguro kada reject may inaayos. Katulad ni J.K. Rowling. Walong beses daw nareject yung Harry Potter. Siguro kada reject hindi nya tinigilan yung kwento. Inayos niya, nilinis kada reject at kada puna kaya sa kahuli-hulihan natanggap kasi maayos na, malinis at maganda na. Wala nang napunang mali kasi nirewrite nya.


Siguro nga may mali talaga sa kwento ko. Eh kasi naman wala akong kaalam-alam sa mga rormansang bagay. Hindi ko alam kung anong feeling ng nahalikan, nayakap kaya hindi ko sya madescribe ng maayos. Clueless ako. Bumabase lang ako sa mga nababasa ko sa libro. Pero ika nga ni Pearl “wala sa karanasan ang sukatan ng pagiging isang mahusay na writer” Yeah! Akalain mo yun may natutunan pala ako sa kanya.

Nothing in Eighteen

18 things na gagawin ko sa 18th birthday

1. gigising
2. mag-aalmusal
3. maliligo
4. manonood ng tv
5. tutunganga
6. magsasoundtrip
7. manananghalian
8. maghuhugas ng mga pinggan
9. matutulog
10. gigising/magmemeryenda
11. manonood ng tv
12. mag-iinternet... kahit napakakupad ng smartbro
13. kakain ng hapunan
14. maghuhugas ng mga pinggan
15. maghihilamos
16. manonood ng tv
17. magsasoundtrip
18. matutulog


walang sense diba? haha!

Dumating na si RM!

Dumating na si RM as in Rejected Manuscript. Ok lang. Hindi naman ako gaanong nasaktan dahil hindi ako umasa ng ganon kataas. Tama yung editor sa mga sinabi nya. Mukha daw akong tanga este yung bida ko pala. Marami akong natutunan, nadagdagan ang kaalaman ko. Now I know.

Parang sinusubukan ko daw na magpatawa pero hindi naman nakakatawa. Bakit, sinabi ko bang tumawa sila? Hindi kaya, seryoso ako! Haha, galit?

Ito pala ang feeling ng nareject. Para kang nanliliit dahil feeling mo hindi ka magaling na writer. Parang pinanghihinaan ka ng loob. Parang binagsakan ka ng langit at lupa, parang ayaw mo na, parang sasabog ang dibdib mo, parang.... parang .... parang .... parang may isang anghel sa langit na nakalutang sa ulap na nangingitliti, bla bla bla.. di ko na alam ang kasunod. Napapakanta tuloy ako.

Ok lang yan, first time ko pa lang naman eh. Yung iba nga dyan apat na beses o mahigit nang narereject di pa rin tumitigil. At least naranasan kong mareject. haha.

Siguro magiging programmer na lang ako at hindi na writer. At least yun magkamali ka man, computer ang pupuna sa yo at di tao. May error lang na lalabas sa screen mo na hindi masasaktan ang feelings mo. Haha! Biro lang. Mas gugustuhin ko namang maging writer kaysa sa programmer kasi. . . . basta.


November is over. Welcome December!

Kay bilis naman ng panahon. December na. Welcome December! Sana magkasundo tayo at sana sa huling buwan na ito ay may maganda at memorable naman ang mangyari sa kin. Makisama ka Disyembre!

Matatapos na nga lang ang taon wala pa rin akong nagagawang matino. Malas ba ko ngayong 2010? Baka sa pasko wala kong matanggap na regalo. Baka kasi naiirita na sa kin si Santa Claus kasi hindi ako good girl instead I'm naughty, pasaway, matigas ang ulo at ... BI? hehe.


Pinsan na Kaibigan

Meron akong pinsan
Simula bata’y aking nasilayan
Sya ay mabait
At ako ang masungit

Palagi kaming magkasama
Halos magkamukha na nga
Yun nga lang mas lamang sya sa kin sa ganda
Pero mas matangkad ako sa kanya (haha!)

Nagsasabihan kami ng mga sikreto
Palaging naglalaro
Kay sarap balik-balikan
Ng aming masasayang nakaraan

Alam nya kung ano ang tama
Ako nama’y laging namamaling akala
Sa tatahaking landas alam nya kung saan sya patungo
Samantalang ako laging lumiliko

Ang aking pinsan na kaibigan
Nagtyaga sa kin sa kabila ng aking kamalditahan
Kakwentuhan at kaiyakan
Kasama sa mga kalokohan

Ngayong malaki na kami
Marami nang nagbago sa amin
Pareho na kaming abala
At minsanan na lang kung magkita

Sana’y masaya sya kung saan man sya naroon
Nawa’y sa puso nya ako’y nandoon
Maalala nya sana ang pinsan nyang matigas ang ulo
Pero nagpupumilit na magbago

Hindi ko alam kung naging mabuti akong kamag-anak
Sa tulad nyang iisang anak
Hindi ko alam kung naging mabuti akong kaibigan
Basta alam ko minahal ko sya noon pa man.

Sleep well




Sleep well my dear
Don’t you worry I’ll be here
May you have the loveliest dream
Under the stars so gleam

Leave behind your worries
Just think of the good memories
Put away all your fears
Or you will end up with tears

I’ll be watching you dreaming
Guarded you while you are sleeping
Now close your eyes
And sleep tight
I’ll be here until the sun rise
And the day will be bright

Higit pa sa salamat

Kulang ang salitang salamat
Para sa isang tulad mong tapat
Kaibigang maaasahan
Masasandalan at madadamayan

Higit pa sa salamat ang nais kong ipabatid
Sa tulad mong ubod ng bait
Nalugmok ako sa problema
Ngunit dumating ka at ako’y iyong kinuha

Hindi ka nag-alinlangan
Na ako’y tulungan
Nanatili ka sa aking tabi
Naging karamay at kakampi

Sino ba namang hindi sasaya
Na maging kaibigan ka
Sinong mag-aakala
Na tayo’y magkikita
Pagkakaibigan ay nakatakda na pala
Sa ‘ting dalawa

Patawad kung nagkulang ako
Iyon ay hindi ko ginusto
Patawad kung nawalay ako sa yo
Malapit ka pa rin sa puso ko

Kaibigan kong mahal
Lagi kitang ipinagdarasal
Na maging masaya ka palagi
Kahit ako’y hindi mo na kapiling

Multo, multo, multo




Multo, multo, multo
Anong pangalan mo?
Bakit ka ba nanggugulo?
Sino ba pumatay sa yo?

Kulang ka ba sa pansin?
At bigla na lang sumusulpot kung saan mo naisin
May hindi ka pa ba natatapos na gawain?
At kami’y kailangan mong gambalain

Multo, multo, multo
Hindi ako natatakot sa yo
Ikaw ay yumao
Samantalang ako ay buhay na buto

Multo, multo, multo
Pumunta ka na sa lungga mo
Sa langit o sa impyerno
Kung wala manahimik ka dito sa mundo

Nakakayamot ang magreport!

Ang reporting ay parte ng pag-aaral at bilang estudyante kailangan nating magreport para tumaas ang grade, maenhace ang skills, matanggal ang hiya, masanay humarap sa madlang people at higit sa lahat para walang ginagawa ang teacher. Haha! Nakaupo lang sya habang nakikinig sa boring na reporter.

Ang ayoko sa lahat ay reporting. Para kong si Sunako. Takot humarap sa maraming tao. Ayoko kasing nagpapaliwanag. Naintindihan ko pero hirap akong iexplain. Makasarili eh noh? Gusto ko ako lang ang nakakaintindi. Ayaw ishare. Haha!

Feeling mo matutunaw ka sa harap kasi nakatingin sila lahat sa yo. Sa yo nakatuon ang atensyon nila pwera na lang kung nakakaantok ka magreport.

Sa tulong ng visual aid ay madadagdagan ang grade mo dahil nageffort ka talaga. Kapag babae ang magrereport ay puno ng design ang bawat gilid ng manila paper, pero pag hindi ibig sabihin rush ang paggawa nun. Pag lalaki naman . . . ahmm, parang wala lang.



Naalala ko nung 3rd year ako sa Filipino. By group ang reporting pero isa-isa kayo. Mukha lang akong walang pakealam at walang ibubuga pero nakikipagsabayan ako pagdating sa report. Ang yabang noh? Walang pakealamanan, blog ko to! Nakikibasa ka lang. Napapansin ko kapag ako na ang magsasalita tatahimik na sila lahat. Kabado talaga ako. Parang mas gusto ko pa ngang wag na silang makinig at magdaldalan na lang sila. Mahiyain talaga ako at ayokong nagpapaliwanag kasi iniisip ko baka mali at baka mapahiya lang ako katulad ng mga naunang reporter sa kin. Pero nagkamali ako ng akala. Umaayon sa kin ang tadhana. Wahaha. Laging umaayon sa kin ang aming guro. Tama daw lahat ng sinabi ko at pagkatapos dudugtungan nya pa yun sabay palakpak para sa kin. Yeah!

Hindi ako magaling magpaliwanag at magaling magsalita pero hindi ko akalaing magagawa ko. Ang nirereport ko lang naman ay tungkol sa . . . .mga pananaw sa buhay. Tama, pananaw sa buhay, tungkol sa buhay, mga aral na natutunan sa Noli Me Tangere pagkatapos irerelate sa totoong buhay at iaapply sa kasalukuyan. Kaya ako palagi ang huling nagrereport dahil kumbaga yun ang konklusyon ng kabanata.

Pagkatapos kong magreport ay uulanin na ko ng mga papuri at bati. (ang yabang talaga! Haha) Ang sarap sa pakiramdam. Parang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan at naovercome ang hiya at kaba. Pero . . . ayoko pa rin ng reporting.

Tinanong ko ang mga kaklase ko kung bakit ang tahimik nila pag ako na magrereport. Sa sobrang tahimik nila kulang na lang marinig ko na ang mga kuliglig at ang hangin. Nakapokus talaga atensyon nila sa kin kaya tuloy nakakatakot magkamali at mapahiya sa buong klase. Alam mo ba kung anong sagot nila? Kasi daw minsan lang daw ako magsalita. Ang tahimik ko daw kasi kaya narirrinig lang nila ko pag reporting.


Ayoko talagang magreport lalo na kung hindi ko naiintindihan yung irereport ko. Sa ngayon sablay ako pagdating sa report. Hindi ako nagrereport. Umaabsent ako pag ayoko magreport. Haha. Tandaan, wag tularan.

R.M.

Ang tagal naman ni R.M. I mean ang tagal ng resulta ng pinasa kong manuscript sa isang publishing company. Isang buwan pa bago ang resulta. Ang tagal! Iniisip ko nga baka mareject agad, haha, negative agad. Si Rejected Manuscript. Hindi ko alam kung maganda ba yung kwentong yon. Iniimagine ko na nga agad yung mga comment ng editor eh.

“Ang pangit ng istorya mo!”
“Ang lakas ng loob mo magpasa wala namang kwenta”
“Kulang sa romance! Love story ba yung pinasa mo o horror?!”
“Ang pangit ng conflict”
“Kulang sa impormasyon”

At iba pang pangpahina ng loob. As in rejected talaga! Haha! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nareject yun. Better luck next time? Hmmm. Try and try until you succeed.

Pero ok rin siguro yung nararanasan nating mareject yung istorya natin para lalong maimprove yung writing skills natin (wow, feeling writer). Gusto ko ring malaman kung anong comment ng editor. Baka may mali sa ginawa ko. Baka may dapat baguhin. Baka may dapat itama para next time alam na, next time maganda na, next time maaaprubahan na. Kelan naman yung next time na yun? Haha. Next month? Next year? Next decade? Next generation? Haha!

Sabi ko nga ang isang way para hindi masaktan ay wag umasa. Wag umasang tatanggapin ang istorya mo. Pero iba pa rin yung may faith ka.

Bahala na. Mareject man o hindi magsusulat pa rin ako at gagawa ng mga kwento may kwenta man o wala kasi . . . masaya ako sa ginagawa ko.

Palag ka?!

Sya ay kulot
Pero hindi salot
Bagkus isa syang bayani
Tagapagtanggol ng mga naaapi
Laban sa mga mapagmalaki
Tagapagligtas ng mga inosente
Laban sa mga bayolente

Sigaw pa lang nya mapapaurong ka na
Suntok nya siguradong mapapaungol ka
Sa kanya’y walang gustong kumalaban
Napupuno sya ng katapangan

Wag kang papalag
Siguradong ika’y basag
Wag mo syang papatulan
Hindi ka nya uurungan
Kaya ano?! Palag ka? Wag mo nang subukan!

Kaya sa mga nang-aapi sa kin
Magtago na kayo
Kayo’y kanyang hahabulin
Sapagkat sya’y matulin kung tumakbo.. (haha!)

Ang kaibigan kong matapang
Mukha lang siga pero hindi nanlalamang
Sa kabila ng kaangasan
Ay may pusong babae
Isang mabuting kaibigan
Dahil sya’y nanlilibre (wahaha!)

Kaya kung kayo’y naaargabyado
Tawagin nyo lang ang friend kong daig pa ang superhero
Kaso hindi ko alam ang kanyang numero
Tumutok at sundan nyo na lang ako sa blog ko
Kung hindi sa kanya’y lagot kayo….

The Best

I miss your long straight shiny hair
Your voice I hear everywhere
Your sweetest smile I’ve ever known
Lingers on my mind and couldn’t move on

We play guitar and make some noise
Laugh out loud and talk about boys
We read books and write
We dream so bright

You carried me by your thoughts
Inspire me to live a better life most
You are filled with happiness
For me you are the Best!

Best in advice
Makes my confidence rise
Best singer
I will never tired of hearing your voice forever
Best joker
Bring up some laughter
Best daughter
A princess in the eyes of your father
And last, a Best friend
From God, to me you are sent.

B.I.







B.I. daw ako. Beautiful ang Intelligent, hindi naman masyado.. haha! Bad Influence daw ako. Hindi ko alam kung biro ba yun o totoo. Sinasakyan ko na lang yung sinasabi nya. Baka masabihan pa kong pikon o defensive. Pero sa araw-araw naming pagkikita laging yun ang sinasabi nya. “Niya”, yah, ibig sabihin may isang tao na nagsasabing BI ako. Ayoko na imention, mahirap na baka resbakan niyo pa. Haha.

Kung saan-saan ko daw dinadala yung kaibigan ko. Saan ko ba sya dinadala? Sa Moon?! Sa Core?! Sa Impyerno?! Sa Sun?! Sa ibang planeta?! Saan?!! Sinasama ko daw yung kaibigan ko sa SM North. Oo sinasama ko sya, pero hindi ko sya pinipilit. Hindi ko sinasabing magcutting sya, pabayaan na nya pag-aaral nya, wag na syang mag-aral, magrebelde na sya! Kusang sumasama si Friend, hindi ko sya pinipilit. Gusto nya ring pumunta ng SM. Hmm, baka gusto nya ring isama ko sya sa SM? Malamang. Ililibre ko sya. Haha

Ganon na ba ko kasamang kaibigan para sabihan nyang BI ako? Hindi nya ko kilala para sabihan nya ng ganun. Ang sakit kaya. Kahit na sabihing biro pa yun. Biro pero palagi nyang sinasabi na dumadating sa puntong nakakasakit na sya ng damdamin. (drama!)

Mukhang tinotoo na nya yung declamation ko dati na “Bad Girl”. Yes a bad girl I am, a good for nothing teenager, a problem child! I smoke, I drink, I gamble at my young tender age! I lie, I cheat and I could even kill if I have too!

Kakanta ako ng Ignorance by Paramore para sa kanya , “If I'm a bad person you dont like me” yeah!

Sa kakasabi nyang BI ako mamaya wala nang makipagkaibigan sa kin. Tsk.

Sya: Sinasama mo sya palagi sa SM
Ako: Lagi na nga lang kaming nasa bahay nila eh.
Sya: Buti tinatanggap ka pa ng mama nya.
Ako: (Silence...)

Akalain mong sinabi nya yun? Tumatak talaga sa isip ko. Hindi naman ako ganon kasamang nilalang para kaayawan ng mama ni Friend. Gustong-gusto pa nga ko ng mama nya eh kasi ako lang lagi nakakasama nun at nagtyatyaga sa anak nyang may saltik din sa utak.

Kung BI ako eh di sana niyaya ko na si Friend na magbisyo, uminom ng alak, magyosi, magbarkada, pabayaan ang pag-aaral, kaso lang hindi ako ganon. Alam mo ba kung anong pinepersuade ko sa kanya? Ang magsulat pa ng maraming kwento para matupad yung pangarap nya na maging writer. Kahit ilang beses nang narereject ang manuscript nya ineencourage ko pa rin sya na gumawa. Ako kaya no. 1 fan nya! Eh yung nagsabi sa kin ng BI na yan, fan ba sya? Ni hindi nya nga alam yun. Pinipilit ko si Friend na pagtyagaan yung kurso nya kahit ayaw nya, na tapusin nya yun. Kulang na nga lang eh magalit sya sa kin dahil pati ako pinipilit sa kanya yung ayaw nya dahil yun ang tama.

Sige nga, nung nakilala ako nitong kaibigan ko may nagbago ba? Naging miserable ba buhay nya simula ng makilala nya ko?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nun at sinasabihan akong BI. Hindi nya ko tunay na kilala para husgahan nya ng ganon. Ika nga, kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang.

Hindi sa nagmamalinis ako. Oo may bad sides din ako pero wala naman sa hulog yung bintang nya. Buti sana kung totoo hindi ako papalag. Pasensya na dito pa ako sa blog naglalabas ng sama ng loob. Naghahanap ng kakampi? Haha. Kampihan nyo ko mga followers ko! Haha, biro lang.

Nung huli nyang sinabi yun sa kin hindi na ko pumalag at nanahimik na lang. Gusto ko syang awayin pero ayoko, mabait ako eh.. haha! Hindi ako taklesa at eskandalosa. Kalma lang ako pero sa loob-loob ko sasabog na ko.

Ito lang ang masasabi ko sa kanya... Oo BI ako, BATANG INOSENTE. Wala akong kinalaman sa mga pinagsasasabi nya.

Blogag!

Hindi ko alam kung anong mapapala ko sa pagbablog. Yayaman ba ko dito? Dadami ba fans ko? (parang meron ah) Ano namang mapapala ng mga babasa dito? May epekto kaya sa kanila ang mga pinaglalalagay ko dito? May mga violent reaction kaya sila sa kin?

Well, walang basagan ng trip. Blog ko to eh!

Hindi na kita crush Pare

Dear Pare,

Ahmm. . . . ah . . eh. . . may sasabihin sana ako sa yo. Wag ka sanang mabibigla kasi, ahmm . . .



HINDI NA KITA CRUSH eh. Nagulat ka ba? Hmm, bakit? Kasi wala lang. Ewan. Unti-unti na kasing nagvanished yung pagkagusto ko sa yo, hehe. Para kasing walang epekto yung presensya mo sa kin. Hindi naman ako kinikilig (siguro nung umpisa), hindi naman kita tinitingnan ng matagal pag andyan ka. Hindi kumakabog ang puso ko. Para talagang wala nang feelings!

Pero ok lang yan, gwapo ka pa rin naman eh. Siguro naiinsecure lang ako sa yo kasi mas gwapo ka sa kin, haha.

Bakit kaya hindi ka sumali sa Star Factor? Malamang pasok ka dun! At malamang manalo ka rin! Alam mo ba, marami akong magagandang kaibigan, artistahin talaga pero ni isa sa kanila hindi pa rin nagiging artista hanggang ngayon. Sayang mag-aaply pa naman akong P.A. para may sweldo, hehe. Uy! Pag nag-artista ka wag mo kong kalimutan ha! Ako P.A. mo, haha!

Your Pare

Kay hirap tanggapin

Kay hirap tanggapin na ang kurso ko ay Comsci
Parang wala nang saysay
Ang mabuhay
Puno ng sablay
Nagkulang ba ko sa gabay?
Hindi sigurado kung makakapagtapos ng pag-aaral
Tuition ay tumataas habang tumatagal.

Gusto kong mag-aral ng AB English
Pero parang ang hirap mareach
Gusto ko rin ng fine arts
Pero ang pinang-aaralan ko ay mga computer parts

Software, hardware, programming language
Mas gusto ko pang magpasalvage!
Java, Visual Basic, Cisco
Ano ba ito Diyos ko!
HTML, Netbeans, C++
Oh my gosh!
Oracle, Thesis
Sobrang nakakainis!

Computer ang kaharap ko maghapon
Paano na sina Ballpen at Notebook ngayon?
Paano na ang aking passion?
Sa pagsusulat ng mga kwentong pang inspiration
Mga tulang pang competition.
Paano na ang mga libro
Na naghihintay sa akin para mabasa ko?
Ayoko maging programmer!
Gusto ko maging writer!

Oh kay hirap tanggapin
Na ipagpilitan nila sa akin
Ang kursong di ko kayang intindihin
Sa pangarap ko ako’y napalayo
Ngunit pipilitin kong maabot ito
Iba man ang kurso
Ngunit iisa pa rin ang nais ng puso
Ang maging isang magaling na manunulat
Siguradong mamangha kayong lahat!

Panira ng buhay

Alam mo ba pare, nag-iisip ako ng pwedeng makapanira ng buhay ko. Wala lang, trip-trip ko lang. Masyado na kasi akong mabait kaya naisip ko yun..haha.

Iniisip ko kung paano kaya kung magbisyo ako. Magyosi kaya ako? Hmmm…. Ayoko, maawa naman ako sa katawan ko. Payat na nga ko magyoyosi pa ko. Tsaka ayoko sa usok, baka maagnas pa yung baga ko…eeew! Kung maglasing kaya ako? Ayoko rin, mapait ang alak eh. Never akong nasarapan sa alak pwera na lang kung yung wine ay may halong RC, haha! Ayoko yung mga cheap na alak (ayoko na imention) Tsaka pag nalasing ako babaho ako. Mag-aamoy suka ako.. yak! (hindi yung vinegar uh!)

Magdrugs kaya ako? Wag na, hindi matutupad yung pangarap kong tumaba, papayat ako lalo nyan. Isa pa mukha naman akong adik eh, no need na ng drugs.

Maglayas kaya ako? Saan naman ako pupunta?Tsaka wala akong pera. Alangan naman manghingi ako kay mama. “Mama penge pamasahe, lalayas na ko. Di na ko babalik kahit kailan”

Pumatay kaya ako ng tao? Patayin ko lahat ng taong kinaiinisan ko? Mga kapitbahay naming tsismoso’t tsismosa, kriminal, mga kamag-anak namin? Torturin ko kaya lahat sila at kunin lahat ng lamang-loob nila? (brutal eh noh?) Pero . . . . wag na lang. Ayoko sa dugo eh. Kadiri!

Lumabag kaya ako sa batas? Magnakaw, mangholdup, mag-akyat bahay at magpakulong? Pero hindi na daw ako magkakasya sa kulungan , puno na daw yung rehas nila (gets mo? hehe)

Magpakamatay kaya ako? Masakit kaya? Marami akong option pag nagsuicide. Iba’t-ibang paraan ng pagsusuicide pero iisa lang ang pagkakapareho nila . . . MASAKIT! Kaya wag na lang.

Magpaka-adik sa Dota? Hindi ako marunong eh.

Hmmm. Wala na ko ng ibang maisip na paraan. Mukhang hindi ko na masisira ang buhay ko.

Kayo may naisip ba kayo? Magsuggest nga kayo. Malay nyo magustuhan ko at gawin ko, hehe.

Sana may magcomment at magsuggest.

Crush na kita Pare

Dear Pare,


Hindi ko alam kung bakit kita naging crush. Siguro para may maisip akong tao sa twing gagawa ako ng tula at kwento, ano nga bang tawag dun?.. inspirasyon? Para naman makagawa ako ng "perfect kilig moments" sa mga istorya ko. Wala kasi akong crush dati at lovelife kaya yung mga kwento ko eh kulang sa tamis. Sa madaling salita, ginagamit lang kita.. haha!.

Sana wag mong isipin na crush kita dahil gwapo ka (sa tingin ko) pero parang isa rin yun sa mga dahilan kung bakit kita crush. Sana wag kang magalit sa kin, crush lang naman eh, wala namang masama dun diba?

Nung una kitang nakita , hindi pa kita crush non. Parang wala lang. Alam mo ba kung ano nasa isip ko non? "Hu u ba? Yabang naman nito". haha, peace tayo pare, dati pa naman yun, iba na ngayon. Biglang nagbago ihip ng hangin (air pollution)... alam mo na siguro ang sunod na nangyari, crush na kita pare.

Mabait ka naman pala. Simple at di masungit. Masayahin ka rin pala.. ok tama na, masyado na kitang pinupuri baka lumaki ulo mo, hehe. Crush na nga kita pare yun nga lang hindi halata. Pag nagkikita tayo parang normal lang, pag dumadaan ka, deadma lang. Di kasi ako papansin at magaling akong magpanggap. Ni isang tao walang nakakaalam na crush kita.

Haay, crush na walang halong pagnanasa, Crush na hindi nageexpect na magugustuhan mo rin ako (drama). Wala lang, crush lang kita.

Ahmm, good luck sa pag-aaral, sa lovelife at career. Sana nag-artista ka na lang, haha. Wag ka mag-alala, gagawin kitang bida sa nobela ko at kapag nadiscover ang istorya ko at gawing movie katulad ng twilight, ikaw rin ang gaganap, haha. Para may utang na loob ka sa kin, hehe.. joke lang pare.

Malamang makalimutan mo rin tong love letter kuno na to. Makalimutan mo rin yung taong nagkacrush sa yo na nagmessage pa online at pinost sa blog (paawa effect) ok lang yun kahit hindi. Basta wag mo lang malalaman kung sino ako dahil kundi .... hindi na kita crush, hehe, biro lang pare.

Pasensya ka na kung palagi kitang iniisip, siguro lagi ka nang nadadapa, nabubulunan at di makatulog kakaisip ko sayo. Pati yung mga nirereview ko sa school nakakalimutan ko agad kasi bigla-bigla ka na lang pumapasok sa isip ko. Panira ka ng pag-aaral eh noh? haha, joke lang.


Hanggang dito na lang pare. Sana kinilig ka.
Pasensya na sa abala at salamat sa pagbasa.






Your Pare

Balang araw

Balang araw makikita mo ko sa tv
Nasa commercial ng Jollibee
Balang araw magkakaalbum ako
na siguradong bibilhin mo.
Balang araw ay pupunta ako ng Korea,
wag kang mag-alala isasama kita.
Balang araw magkakacp ako na touch screen,
lahat kayo ay aking iinggitin.
Balang araw magpapatayo ako ng mansion,
Dun na lang ako maghapon.
Balang araw yayaman ako,
magtatayo ako ng maraming negosyo.
Balang araw babae na ako,
salamat kay Vicky Belo.
Balang araw makakapublish ako ng libro
Magiging bestseller lahat ng aking kwento.
Balang araw magiging sikat akong writer,
bigyan kita ng autograph ko later.
Balang araw sa university na ko nag-aaral
Carry ko kahit tuition ay mahal.
Balang araw mangyayari ang lahat ng ito,
pangarap na inaasam-asam ko.

once there was me and then we were three



Dati ako lang (emo?) pero ngayong tatlo na kami. kakaiba sila sa mga naging kaibigan ko. Dati kasi pag kasama ko yung mga past bestfriend ko ang madalas naming pag-usapan ay puro lovelife. Kung paano mag-ayos at magpaganda para mapansin ng mga boys. Syempre para hindi masabihang KJ eh sumusunod ako kahit hindi ko pa maintindihan kung ano ba yang lovelife na yan at kung pano makipagboyfriend buhat ng aking murang edad, hehe.
Pero nang maging kaibigan ko 'tong dalawa na to eh nawala na sa usapan ang lovelife kahit na yung isa ay may boyfriend na at yung isa ay maraming admirer/suitors/kafling-fling, hehe, samantalang ako naman talaga yung 0% ang lovelife. Ang madalas naming pag-usapan ay puro kalokohan, masasayang bagay, at tungkol sa buhay-buhay( ang drama!)

Imbes na ako ang impluwensyahan nila ng pagkagurlalu nila eh sila pa ang naimpluwensyahan ko ng pagkaboyish ko! haha. Siguro nagsawa na sila sa pagkamaganda nila. Oo magaganda nga sila pero hindi sila tulad ng iba na sosyalin at puro kaartehan ang pinaguusapan. Wag kayong paloloko sa mga itsura nila, hahaha!

Masaya ako dahil naging kaibigan ko sila.
Masaya ako dahil may kaasaran ako. :P

long time no post

August na at matagal-tagal ko na ring hindi nabibisita tong blog ko. Inaalikabok na nga eh. Kamusta naman mga masusugid kong tagasubaybay (kung meron nga, sana nga meron). Medyo busy kasi sa thesis namin eh (parang totoo lang ah) ang hirap nung system namin. PAtulong naman oh!


:)

walang masabi

there's nothing else i can say, eh eh eh eh ---> sabi sa kanta ni lady gaga, hehe, kinanata ko lang kasi maganda.

wala kong masabi sa balitang nagkakalokohan sa pcos machine..
wala kong masabi sa nanay ko nang sinabi nyang magenrol na ko..
wala kong masabi sa admin namin sa school.. nginingitian ko lang sya sabay tawa parang baliw na. hehe
wala kong masabi sa mga jejemon, eow pouh!
wala kong masabi sa mga jejebusters..
wala kong masabi..

haaay.. ewan. wala lang akong magawa ngayon


"all i can say is eh eh"---> sabi ulit ni lady gaga. hehe

Yis, Yeng, Yang

Mula sa aking baol natagpuan ko ang isang lumang papel na naglalaman ng isang conversation, hehe. 2nd year high school pa tong sulat na to yet buhay pa rin, haha. Itong tatlong to nagsusulatan habang may teacher na nagdidiscuss. Grabe, favorite subject ko pa naman yun, Social Studies, hehe..

yis: hindi ko siya namimiss
yang: weh, kunwari ka pa pero deep inside miss na miss mo na rin siya...
yis: eh kasi po ala na ko gusto sa kanya, di ko sya kaano-ano, di kami close...
yang: hala! imposible namang mawala agad ung pagkagusto mo sa kanya... ang hirap kaya nun.
yis: madali lang
(umiksena si Yang, inigaw yung papel)
yeng: uyyy! kilala ko yan noh?..
yang: -yeng, oo naman kilala mo un, taga-kabila lang un, right?
-yis, panong madali?.. pano mo nagawa un in-love sa kapwa lalaki
yeng: -yis, ano yung sinabi mo? sinong na inlove sa kapwa lalaki?
yis: -yang, paano naman kasi d na nya ko pnapansin, kaya wala na, iba a luvs ko.. naks
-yeng, ako ung sinasabihan ni yang na inlove sa kapwa lalaki
yang: -yeng, di mo a alam na lesbian si yis
-yis, baka naman nahihiya lang..
yeng: -yis, ano ba, sabi mo diba hindi ka lesbian????
yis: -yeng, hindi naman talaga eh!! tingin lang nila un sa kin, pero.... babae po ako! (kanta?)
-yang, ayoko na sa kanya.. wag nyo na ipilit!
yeng: -yis, eh bakit mo siya napapanaginipan at bakit nagugulo ang isipan mo dahil sa kanya? dba yang?
yang: -yis, tama ... dba napapanaginipan mo xa.. hmm
yis: uy kaung 2!! akala ko ba pinaguusapan natin si N, eh sinasabi nyo naman eh si H.
yang: -yis, si N ba... kc c yeng baka ung sinansabi niya si H
-yeng c N ung pinaguusapan natin.
yeng: sowi po eh bakit kc? ano bang N na yan nakikipagbalikan ba o hindi na? nkt naman naguguluhan ka na naman?
yis: -yeng, ndi cya nakikipagbalikan, may gus2 lang sa kin si N eh ayoko naman... Si H napanaginipan ko lang cya, pero kinikilig ako pero ulit! iniiwasan kong magkagusto ulit sa kanya.. gets nyo na? Pero ang crush ko ay si.....
yeng: -yis, naku jan na nagsisimula yung kay H kc remember ganun din me sa panaginip ako nagsimula kay classmate?
yis: ewan ko ba!! basta gs2ng-gs2 ko cyang napapanaginipan, naguguluhan ako!(babae na ba ako?! haha, joke!) pero ayoko dumating sa point na magiging kame.
yeng: -yis, yehey! inlove ka na wahahaha!!
PARANG AKO!!! (R ba?)--->(si yang nagsulat)
yang: ako rin inlove sa inyong dalawa... hehehe
yis: sa inyo ko lang sinasabi ung 2ngkol kay H, di ko 2 cnasabi sa G4 kc alam ko magagalit sila sa kin..
yeng: y?
yang: bakit may problema ba kay H?
yis: kc, sasabihin nila na "mayabang yan!" lam mo un!! tapos sesermonan nila ko!! hindi nila naiintindihan ung feelings ko!!
yeng: -yis, hindi kami ganon... anyway lagi kitang maiintindihan like you.. you always understand me...it depends na lang kung mayabang talaga xa or masama ugali..
-yang/yis basta we are the 3Y :)


naintindihan nyo ba? mejo magulo noh? hehe.. pasaway na mga estudyante! di nakikinig sa lecture! kung anu-anong pinaguusapan.

isang libong tula

isang libong tula ang aking lilikhain
para lang iyong mahalin
mabubulaklak na salita
kailanma'y di malalanta
malalaman mo ang tunay kong damdamin
pag tula ko'y iyong dadamhin.
hindi mamahalin ang aking tula
ngunit ito'y napakahalaga
hindi mabibili ninuman
iyong-iyo ito kailanpaman...

kung gagawa ako

kung gagawa ako ng isang nobela
siguradong tatamarin ang mambabasa
mas ok na yung maikli
basta't direct to the point ang sinasabi
tulad ng ginagawa ko ngayon
sa paggawa ng tula nakatuon.
kung gagawa ako ng isang istorya
dapat ay yung kakaiba
hindi kinopya
orihinal at sariling gawa.
kung magcocompose ako ng kanta
dapat ay yung maganda
tao'y mapapakanta
pag awitin ko'y narining nila
love song para sa magboyfriend
theme song para sa magbestfriend.
kung ikaw ay isang mambabasa
intindihing mabuti ang mga salita
husgahan mo man o hindi
wala akong pakealam sa opinyon mong mali


at kung gagawin ko ang lahat ng ito
siguradong sisikat ako!!!

hahaha...

Grade 4 ..




Ito ang class picture namin nung grade 4 na nagmula pa sa baul na pinagtyagaan kong halukayin.. hehe. Keme lang. Natagpuan ko lang to sa facebook, sa photo album ng ex-classmate ko. Hanapin nyo nga ko dyan?Ang makahanap ay may libreng candy sa kin, haha. Ang papangit pa namin nun noh? Katabi ko dyan si Amia, bestfriend ko nun. Close tlaga kami sa picture na yan, ayan may clue na.

Ito ay section Diamond, higher section na kinabibilangan ko noon na pilit kong inoovercome. Pano naman kasi, mga matatalino mga classmate ko, malamang kaya kong makipagsabayan sa kanila. Dati kahit galingan ko, kahit na pag-igihan ko at gawin ko lahat ng makakaya ko hindi pa rin ako nakakasama sa top.

Haay, it brings back all the memories. Lahat talaga sila matatalino. Hindi ko nga alam kung bakit ako kabilang sa section na yun. Saling pusa lang ata ko. And Im sure na lahat sila ay nag-aaral sa isang university dahil nga matatalino sila.

Hindi lahat sila naging kaibigan ko o naging close. Allergic ata ako sa mga matatalino. Kumusta na kaya sila ngayon? Naaalala pa kaya nila yung classmate nilang hindi pumasok ng isang buwan at kalahati dahil nagkasakit kakakain ng kwek-kwek? Siguro hindi na.....

tampuhan

isang linggong walang pansinan
isang linggong walang imikan
hindi ka ba nagsasawa
sa 'ting away magkaibigan?

isang linggong di nagkita
para bang akoy naiinip na
miss na kasi kita
kaya lang pride ay ayaw bumaba

isang buwang walang balita
isang buwang di masaya
ako pa kaya'y naaalala
ng kaibigang aking napaluha

di maiwasan sa magkaibigan
ang tampuhan
di pagkakaintindihan
maraming pagdadaanan
sabay nating mararanasan
pero di ko makakayanan
na mawalan ng isang kaibigan
kaya sana matapos na ang ating tampuhan....

Debut: Once in a lifetime

Debut, isa itong tradisyon kung saan isinecelebrate ng isang babae ang pagdadalaga niya.Ito'y nagaganap pag humantong na sa labing walong taong gulang. It is the age of maturity, meaning you're now a lady. Di ko alam kung bakit kailngan pang icelebrate ang ganong okasyon samantalang pwede namang maghanda na lang ng pansit o magpainom. Hindi ko rin alam kung anong kahalagahan nun at ayoko nang alamin. Sabi nila once in a lifetime lang daw yun kaya naman bonggang bongga ang handaan, party kung party. Isang beses ka lang magdidisi otso kaya lubus-lubusin na. Kahit gipit sige lang, magdebut pa rin, dyan mahilig ang mga pilipino, sa mga party at kainan. Feeling mayaman, ok lang sana kung mapera ka talaga, gumastos ka ng bongga para sa debut mo pero kung pangtuition pa nga lang eh hirap na hirap na bakit pa mag-aaksaya ng panahon para sa debut? ipangbayad na lang sa matrikula yung pang birthday. Unahin ang mas importante, ika nga.

Nakaattend na rin ako ng debut. First time ko nung grade two pa lang ako. Debut ng pinsan ko at masasabi kong yun ang pinakamagarbong debut na napuntahan ko. Ang lawak nung lugar at ang sososyal ng mga tao. Ang tawag daw dun ay Cotillion. May escort, may waltz dance, 18 candles, 18 roses,18 treasures, tas may mga nagmessage pa sa kanya at may mga performance din like singing at dancing. At higit sa lahat, ang paborito ng lahat... ang kainan. Ang sasarap ng pagkain, pangmayaman talaga, may mga nagseserve pa. Tungkol naman dun sa gown, kung ano daw yung favorite mong color yun daw ang magiging kulay ng gown mo at ng iba pang design sa debut mo. Majority na color ay pink or blue. Gosh, pangbabae talaga, eh paano kaya kung black ang gusto ko? Pwede kaya yun? Ang pinakahuling nangyari ay sayawan. Ang kapal nga ng mukha ko eh, kasi nakipagsabayan ako doon sa mga binata at mga dalagang sumasayaw samantalang ang bata-bata ko pa. Parang nasa club yung dating pero masaya. Di ko talaga makakalimutan yun lalo na yung gown nung pinsan ko at syempre yung pagkain. haha!


Yung ibang debut na napuntahan ko which is sa mga kaibigan ko, bongga rin naman pero simple lang but still masaya pa rin dahil may kainan. Nakasali na rin ako sa 18 candles (sabi ko nga 18 roses na lang eh. haha), magmemessage ka dun sa debutante while holding a candle(parang binyag lang ah). Sasabihin mo kung anong wish mo sa kanya, di ko lang sure kung kabilang dun yung "sana magbago ka na". MAke sure na hindi puro kaplastican yung sasabihin mo, hehe. Everytime na may debut at imbitado ako lagi na lang akong namomroblema dahil sa susuotin ko. Kailangan nakagown or dress. San naman ako kukuha ng ganong damit? Isa pa ayokong nagsusuot ng mga ganun, isipin nyo nang maarte ako pero ayoko talaga ng ganun, hindi ako komportable. Pero nilulunok ko ang pride at kaartehan ko, pinagbibigyan ko yung debutante at nagpapakababae. Para kong si Sunako, parang matutunaw na ko sa sobrang kahihiyan.

Minsan ko na ring naisip na paano kaya pag magdedebut na ko. Ano kayang klaseng debut? Although hindi ako umaasa na mangyayari nga gusto ko lang isipin kung anong mangyayari pagtapak ko ng 18. Hindi ako nageexpect na magiging bongga yun at magiging katulad ng mga debut na napuntahan ko na, siguro dahil na rin sa pera kaya wala akong expectation pagdating sa debut. Kadalasang sinasabi ng mga magulang na walng pera panggastos sa debut ng anak ay.."Debut? Di na uso yan!". Magpapansit na lang kaya ako? MAgpapainom? o wala lang. Wala akong balak magpaparty sa debut ko, pero ano kayag feeling ng magdeebut na may bonggang party wearing a beautiful gown like a princess w/ a handsome escort then im the center of attraction, just like a cinderella story.............. teka (bumalik sa katinuan) ba't ko nga ba naisip yun? Out of curiosity?

Once in a lifetime. Once in a lifetime mo lang mararanasan ang ganun. Once in a lifetime mong pipilitin ang magulang mo na gumastos para sa pagdadalaga mo. Once in a lifetime that you will shine.

Dahil sa lawak ng imagination ko, naimagine ko kung anong gagawin ko sa debut ko. It sounds pretty odd but i like it, haha. Magpapaconcert na lang ako. Hindi totally concert sa araneta. Siguro parang gig lang siya sa isang restaurant w/ the band at ako ang vocalist w/ matching gitara pa. Oha. May kainan syempre, mawawala ba naman yun? Pero di ko alam kung may 18 candles pa at 18 roses, (siguro iinclude na natin). Diba nga its my time to shine for ONCE IN A LIFETIME, kaya kahit hindi ako singer na totoo sana makapagperform din ako kahit sa debut ko man lang.
... Pero....(laging may pero)... imagination ko lang yun, bumalik tayo sa realidad (gumising ka Bai!). Hindi naman importante kung bongga o hindi, kung kakayanin eh di maghanda pero kung wala.. magpainom na lang, yayain ang mga tambay at maglasing, kunwari nagtatampo sa magulang dahil di ka binigyan ng magandang debut kaya ka naglasing, haha!

Maraming paraan para maging masaya ang debut, hindi lang sa pagcocotillion at paggastos ng malaki. Minsan kung ano pa yung simple yun pa ang pinakamasaya at espesyal na mararanasan mo Once in a lifetime.





Note: Ngayong April may kaibigan na naman akong magdedebut. European ang tema. Hmmm, saan naman kaya ako kukuha ng dress? (PROBLEMADO)

Mcbee at Trinorth

After 2 days nakalabas na naman ako ng bahay. Nagpabunot na naman ng ngipin si Taylor este Pearl. Pumunta kami ng Sm North at Trinoma. Yehey! nakawala na naman ako sa hawla! Masasabi kong malas ako at swerte. Malas kasi wala kong pera at swerte dahil nilibre na naman ako. May show sa Sm yung Talentadong Pinoy. Manonood sana kami, nakapila na nga kami eh, kaso sobrang tagal at naiinip na kami, nagugutom na at nangangawit. Sabi 4pm ang start pero 4 na hindi pa rin pinapapasok sa Skydom. Di kami makapagdesisyon kung aalis na lang ba kami o maghihintay pa rin. Gusto na rin namin umalis kasi nagugutom na kami kaso nakakapanghinayang naman. Nagbato-bato pik pa kami, kapag nanalo ako aalis na kami pero pag nanalo siya hihintayin namin. Nanalo siya but we end up eating at Mcdonald. Pambihira, nagbato-bato pik pa kami sa Mcdonald din pala bagsak namin. So nasa Trinoma na kami. Nagbasa sa Powerbooks (as usual) at naglibot-libot. Nasa labas kami sa taas at pinagusapan ang topic na nilumot na, na hanggang ngayon eh pinag-uusapan pa rin namin.

Pearl: Anong plano mo?
Bai: Ang makinig sa plano mo.
(saglit na katahimikan)
Bai: San ka na mag-aaral?
Pearl: Try nga natin sa NEU diba?
Bai: Papayagan ka ba ng mama mo?
Pearl: Di ko nga alam eh.. ewan, ayaw naman niya eh.
Bai: Ako nga rin eh.

Mga ganyang topic ang paulit-ulit naming pinaguusapan. Walang katapusan. Di malaman kung saan mag-aaral.
Bumalik kami sa Sm north. Papunta don nakita namin yung buwan, kulay dilaw. Pinipicturan pa ng mga tao yung buwan, parang ngayon lang nakakita ng ganun.




PAgbalik sa Sm marami pa ring nakapila para sa 2nd batch ng show ng Talentadong Pinoy. Di na kami nagtangkangka pang pumila. Tinamad na kami. Tapos kumain naman kami sa Jollibee. Di pa inubos ni Pearl, sayang lang, sabagay pera naman niya yun. Di ko nga alam kung wala talaga siyang ganang kumain dahil sa ngipin niya o .... nagdadiet na siya. haha! Basta ako nabusog ako.


Sayang talaga yung sa TV5.
Di na ata mauulit yung panlilibre niya sa kin, hehe. Last na ata yun ngayon. Sa susunod ako naman ang manlilibre sa kanya.. pag may trabaho na ko.

Nag-uumapaw na karanasan

Ang saya ngayong araw! Kakaenjoy. Super adventure pero nakakapagod. hehe. Dapat pupunta ng trinoma at sm north kaso nagkamali kami ng sakay. Bus sinakyan namin baba ng ortigas. Nasa Ortigas ba ang sm north? Lam ko kasi dun yun , yun pala hindi kaya nagMOA na lang kami as in Mall of Asia. Ang haba ng byahe. Kung anu-ano nang sinakyan namin. Una bus, pagsakay ko mejo nahilo pa ko. Di sanay tsaka ngayon lang ulit ako nakasakay sa bus. Bata pa kasi ko non nung huli akong sumakay ng bus. Tapos MRT naman. Naignorante ako, haha! Parang taong bundok lang ah. First time kong sumakay ng mrt. Ang daming pasahero, siksikan, yung iba nakatayo na lang. Doon mo talaga makikita kung sino yung mga gentleman at hindi. May mga lalaki kasi na nakaupo at hindi pinapaupo yung mga nakatayong babae. Grabe talaga. tsk. Nakakatakot din dun kasi sa sobrang siksikan eh baka madukutan ka. Pagbaba ng MRT sa Taft napunta kami sa Baclaran. First time ko ding pumunta doon. Ang layo ng nilakad namin. Ang init tapos ang daming tao. Pag ganun pa naman eh mabilis akong mahilo pero kanina hindi ko naramdaman yun kasi nageenjoy naman ako. Paglabas ng Baclaran nagtaxi na kami. Ayun nakarating naman ng ligtas. Ang dami naming sinakyan kulang na lang sumakay na kami ng eroplano.

Pagdating sa MOA, ibat-ibang nilalang na naman ang nakita ko. Halos lahat mga mayayaman at foreigner. Karamihan ay mga koreano. Ba't kaya ang daming koreano dito sa Pinas? Gusto ba nila dito? Samantalang ang ganda-ganda sa Korea, gusto ko ngang pumunta dun eh. Palit na lang kaya kami. Speaking of Korea, simula nung sumukay kami ng Bus, Mrt at makarating sa MOA, Korean movies ang mga naaalala namin. Like sa bus, sa mga korean drama may nagaganap na habulan. Hinahabol yung bus pero nakakapagtaka kasi hindi humihinto yung bus, basta yung mga ganong eksena. Tapos yung sa MRT, eksena sa WIndstruck, Sassy Girl, Baby and me etc. Sumasakay sila ng Mrt. Nung papunta na sa MOA ang ganda nung lugar. Ang linis tignan nung paligid tapos may mga puno, feeling ko nasa Korea kami. Haaay, puro Korea na lang.

Ang ganda dun sa MOA, maiisip mong hindi naman pala mahirap ang Pilipinas kasi may ganong lugar. Pagdating dun kumain kami at konting libot, as in konti lang, haha. Umuwi na rin agad kasi hapon na. Ginabi na nga kami eh.

Ang daming sosyal dun sa MOA, mga hindi ko kauri. Ewan ko kung makakabalik pa ko dun. Siguro kapag may trabaho na ko, haha!( ang tagal pa nun ). After three days na nakakulong sa bahay ,kanina ay nakawala ako... wahahaha! nakalibre pa, salamat sa nanlibre sa kin. Di ko malilimutan yun.


Summer Loner

Bakasyon na, summer na at heto ako, sa bahay nagbabakasyon. Di man lang ako makasama sa mga swimming at outing. Nakakainggit nga eh, sana man lang makapagbakasyon ako sa ibang lugar gaya ng probinsya. Gusto kong magpakalayo-layo sa magulong lugar na to. Payapa kasi sa probinsya kaya mas gusto ko don.Iniimagine ko na lang na nasa beach ako while watching the sunset, haha.

Lagi lang akong nakakulong sa kwarto, kain-tulog. Lagi ko ring kaharap yung laptop. Minsan naman papel at ballpen at minsan din gitara. Nababagot na ko dito sa bahay.

You're my song


Ang hirap magcompose ng kanta pag wala kang lovelife, special someone, experience o heartbreaks. Ang hirap gumawa ng love song pag ganun. Nakakagawa nga ko minsan pero hindi ko naman feel at di ko alam kung kanino ko idededicate at walang dahilan kung bakit ko yun nagawa.

walang maisip

haay.. kung anu-ano na lang ang nilalagay kong pamagat para sa blog ko. wala na kasi ko maisip na maganda eh. ano kaya?

Si Pearl, si Pearl, si Pearl. Lagi na lang si Pearl

Si Pearl- nakilala ko nung 2nd sem. Nung nakita ko siya akala ko mas matanda siya sa kin, mga nasa 18 or 19. Yun pala mas bata siya sa kin.Maganda naman siya kaya lang siguro konting ayos pa para magmukha siyang teenager talaga. Para kasing Maria Clara ang dating. hehe. Tandang-tanda ko pa nung nginitian niya ko sa Expression. Inisip ko na baka hindi ako yung nginingitian niya. Lumingon ako sa likod ko kasi nga baka hindi ako yon. Walang tao. Ako lang ang nandon. Sa kin nga siya ngumiti! Ngumiti din ako kaso di na siya nakatingin. Nag-alala ako dahil baka isipin niya masungit ako.


Si Pearl-Kaibigan ang turing ko sa kanya pero di ko alam kung kaibigan din ang turing niya sa kin. Kakaiba siya sa mga naging kaibigan ko. Walang physical contact.. i mean hindi kami naghahawak kamay, hindi siya humahawak sa braso ko di tulad nung mga kabigan ko na pag kasama ko eh todo hawak sa kin at halos pumulupot na sa kin na akala mo naman eh maliligaw. Sila pa ang may ganang humawak sa kin samantalang ang payat ko at sila hindi. Dapat nga ako pa kumapit sa kanila dahil baka liparin ako. Hampas at palo sa likod lang siguro ang physical contact namin. haha.


Si Pearl-feeling ko ayaw niya ng mga seryosong usapan. Gusto niya laging tumatawa at masaya. Hindi mo siya makakausap sa mga seryosong bagay dahil ang sasabihin niya lang sa yo ay... "Ang drama mo naman" o kaya "Charot!". Kaya kung may problema ka, maghanap ka ng ibang makakasusap or wag mo siyang kakausapin pagdating sa seryosong usapan kahit siya na lang ang tao sa mundo dahil mababanas ka lang o lalong magkakaproblema.


Si Pearl-pilosopo

Si Pearl-Favorite si Taylor Swift. Gusto na nga niyang tularan eh. Kulang na lang magpakulot na siya.

Si Pearl-
nahawa kay Bob Ong. Simula nang mabasa niya ang mga libro ni Bob Ong ay nagkakaroon na siya ng mga pananaw sa buhay.

Si Pearl- ahmm, ayoko nang banggitin yung iba, masyado nang personal, hehe. Marami pa kong gustong malaman sa kanya kaso.. ewan. Di ko alam kung masikreto ba siya o umiiwas sa usapan na ayaw niyang pag-usapan(ang gulo).

Best Friends Forever?

Lahat tayo may bestfriend pero hindi lahat nagtatagal. May ilan na napapahiwalay dahil sa sitwasyon sa buhay, karamihan mga busy na, meron din namang away ang dahilan ng paghihiwalay at meron din namang nang-iiwan talaga.

Marami na kong naging kaibigan pero hindi ko na sila kasama ngayon. Friends come and go. Kaya nga nabago ang paniniwala ko sa katagang BFF o Best Friends Forever. Nung bata kasi ako paniwalang-paniwala ako sa ganun, yung walang iwanan. Pero nang maranasan ko na maiwanan ng kaibigan nagbago na ang pananaw ko. Para sa kin wala naman talagang BFF , yun lang naman ay opinyon ko base sa mga naranasan ko.

Friend no. 1

Nakilala ko sa lugar na nilipatan namin. Nung una kaming nagkakilala bata pa ko noon at nagbabike sa bakuran. Nakikitira pa lang kami nun dahil di pa tapos yung bahay namin. May lumapit na batang babae sa kin na kasing edad ko lang, nakipagkilala siya at gustong makipaglaro kaso..... sinungitan ko siya............ Yun ang sabi ni Friend no.1 na hindi ko maalala. Natandaan ko nga yun pero hindi ko matandaan yung part na sinungitan ko siya non. Pero sabagay suplada nga naman talaga ako nung bata ako. Lahat ng kalaro ko inaaway ko pero ang totoo pikon ako. So yun na nga naging close kami at palagi nang magkalaro. Kahit masama ang ugali ko nun pinagtyatyagaan niya ko at yun ang nagustuhan ko sa kanya. Hanggang grade school magkaibigan pa rin kami at magkasama rin kami sa choir pero simula nang maghighschool ako dun na kami unti-unting nagkalayo. (h.s. na ko at sya naman ay gr.6)

Naging busy na pareho. At may times na nagkakailangan na. Nagkakamustahan naman kami at nagabatian pero hanggang doon na lang. Hindi na nakakapagopen ng problema. Ganun kabilis natapos yun.

Friend no. 2

Nakilala ko siya nung grade 4. First day of school nakita ko siya, parang bago lang siya sa paningin ko at tama nga ko transferie pala siya. Mahaba ang buhok niya noon at matalino. Hindi ko na matandaan kung paano kami naging close. Siguro dahil sa magkasunod ang apelyido namin o yung last name niyang Reyes ay middle name ko (hehe). Magkatabi kami noon kaya dun na siguro nagsimula yun( may memory gap na) Simple lang siya at mahinhing babae. Isang klase ng babae na dapat tularan. Napakaayos niya at di tulad ng mga gr.4 student na magugulo at parang bata pa kumilos. Siya talaga ay parang matured na kung kumilos. Kalamado lang siya. Hindi marunong magpanic.

Nakakatuwa nga dahil nung grade 5 kami nagsusulatan pa kami samantalang magkaklase naman kami. Ako ang pasimuno non hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Hindi rin kasi kami gaanong makapagkwentuhan sa room dahil ang daming ginagawa at busy siya, alam nyo naman ang mga matatalino madaming appointment. Feeling ko ang lawak-lawak ng room at ang layu-layo niya sa kin para hindi kami makapag-usap.

Nung nalipat ako ng section nung grade 6 lalo pa kaming nagsusulatan at nagkakamustahan. Syempre hindi ko na siya nakakasama kaya sulat na lang ang nagcoconnect sa min (masyadong makaluma diba?)

Pag may problema talaga ko nagbibigay siya ng payo at lagi niya kong sinusuportahan sa mga ginagawa ko at yun ang gusto ko sa kanya. Pag may mga achievement ako sa school kicocongrats niya ko at proud din siya, kasama ko siyang nagsasaya sa tagumpay ko. Nararamdaman din niya kapag medyo sumasablay ako sa school na madali akong magpaapekto sa problema at pati grades ko damay. Kahit di ko sabihin sa kanya alam na niya. Concern siya pag ganun na yung sitwayon ko. Hindi sa pagmamayabang pero ang tingin niya kasi sa kin ay matalino rin kaya kapag alam niyang bumaba ang grades ko pangangaralan niya na ko. Kung tutuusin para siya na ang naging ate ko.

Nang maghigh school na kami dun na kami lalong nagkahiwalay. Lumayo lalo ang agwat namin sa isa’t-isa. Nasa star section pa rin siya samantalang ako pababa na ng pababa. Hindi na kami nagsusulatan. Patext-text na lang minsan. Nauso ang friendster noon kaya hanggang sa pacomment-comment na lang.

Hindi na tulad ng dati. Panibagong kaibigan na naman.


Friend no. 3


Kasa-kasama rin namin siya ni Friend no. 1 pero hindi pa kami totally magbestfriend nung mga bata pa kami. Saka ko lang siya naging close nung grade 5. Maganda siya, maputi, artistahin kaya nga nung bata ako naiinsecure ako sa kanya(aminado). Ayoko kasing nalalamangan ako. Maganda at cute rin naman ako nung bata ako kaya nga lang MAS maganda at cute siya sa kin.

Naimpluwensyahan rin naman niya ako kahit konti. Pero sa totoo lang napapahamak ako pag kasama ko siya o minsan palpak yung mga nangyayari, may times kasi na sunod-sunuran ako sa kanya, feeling ko kasi alam niya, marunong siya at maparaan. Siya ang tinatanong ko kapag hindi ako makapagdesisyon.Ganun kalaki yung tiwala ko sa kanya.

Tanggap ko kung sino siya. Kahit na may ugali siya na hindi maganda ok lang. Kaya lang hindi siya tanggap ng magulang ko dahil nga sa attitude niya. Pinagsasabihan nila ako na layuan ko na siya dahil bad influence daw kaso lang hindi ko magawa. Kahit minsan naiinis na rin ako sa kanya hindi ko magawang layuan siya, hindi ko siya matiis.

Biglang dumating yung time na nagbago yung tingin ko sa kanya. Doon talaga nasubok yung pagkakaibigan namin at ang resulta ay…. SOBRANG SAKIT. Bumaba ang respeto ko sa kanya at nawala ang napakalaki kong tiwala sa kanya. Pinagtakpan niya ang ginawang kasalanan sa kin ng boyfriend niya. Nadamay na pati magulang ko pero wala siyang inamin ni isa. Para bang nalaglag ako sa ere. Pinili niya ang boyfriend niya kaysa sa kin na kaibigan niya na siyang biktima at inosente sa nangyari.


Nagalit ako nun, nasaktan, umiyak, nawalan ng kaibigan pero hindi pa naman katapusan ng mundo non. Hindi lang siya ang maaari kong maging kaibigan. Marami dyan at marami pa kong makikilala. Humingi siya ng tawad at simula nun hindi ko na siya pinansin. Hindi ako ang nagtapos ng pagkakaibigan namin kundi siya mismo. Hindi ko alam noon kung kailan ko siya mapapatawad. Hanggang sa unti-unti na lang nawala yung galit. Napatawad ko na siya, Nawala na rin ang galit pati na ang lahat-lahat ng namamagitan sa min.

Isang buwan matapos yun nabalitaan ko na lang na nagdadalang-tao siya. Huminto siya sa pag-aaral at nagpakalayu-layo. Hindi ako natuwa bagkus nanghinayang ako para sa kanya.

Doon ko narealize na yung inaakala mong tao na marunong na sa buhay, matured, yung tipong alam na kung anong gagawin ay yun pa yung taong makakagawa ng malaking kamalian sa buhay. Taong akala mo nararapat tularan yun pala sasablay din sa huli.

Friend no.4

Naging classmate ko siya nung grade 6 pero nameet ko siya nung grade 5. Si friend no.3 ang nagpakilala sa kin sa kanya. Nung una ko siyang nameet ang ingay-ingay niya, sigaw siya ng sigaw doon sa tambayan namin sa court pero deadma lang ako non kasi nga di naman kami close. At feeling ko rin noon ay masungit siya.Pero nung gr. 6 na kay bilis ng pangyayari, close na kami agad. Di ko alam kung dahil ba sa pareho kaming kulot o ano pero basta nagustuhan ko siya bilang kaibigan kasi lagi niya kong nililibre at pinapakain sa bahay nila.. hehe, I’m just kidding. Alphabetical arrange pa ang seating arrangement non kaya magkatabi kami. Wala siyang ginawa kundi daldalin ako, nahawa na nga ata ako sa kanya eh.

Napakatapang niya, mali man siya o tama basta away kung away. Sigaw pa lang niya siguradong talo ka na. Tingin ko nga bagay siya maging lawyer dahil magaling siyang rumason at palaban talaga. Siya ang tagapagtanggol namin. Kakatuwa nga kasi siya president namin eh.

“Tahimik!”
“Ano ba!! Hindi ka tatahimik?!”
“Wag kayong maingay!”

Yan ang mga kadalasang linya niya sa school noon. Para bang lahat ng sasabihin niya ay may exclamation point. Kahit magkalapit lang kayo talagang may sigaw. Hindi naman siya bingi pero natural na siguro yun sa kanya. Masayahin siya pero at the same time, emo. Madrama din minsan at sa likod ng pagkamatapang niya ay may nagtatagong iyakin, haha! Mabilis din siya minsan umiyak, pwede nang artista kasi bagay siyang bida at kontrabida at pati na rin sa mga horror films, katakot kasi siya pag seryoso at galit na eh.

Ang di ko makakalimutan sa kanya non ay tuwing pupunta kami sa bahay niya pagtapos ng klase o pag may practice, walang pasok, may occasion meaning.. araw-araw, anytime welcome kaming pumunta doon. Gusting-gusto ko doon dahil.. maraming pagkain.. haha! At may cable sila kay ang ginagawa lang naming mag-hapon ay kumain, manood at magkwentuhan. Pero baka isipin niyo na kinaibigan ko lang siya dahil sa mga ganun. Siya kasi yung tipo ng kaibigan na hindi ka niya hahayaan na manatili na lang dyan sa pwesto mo na hindi mo naman dapat kalagayan. Ang lalim noh?

Nagsimula na kaming magkahiwalay nung 3rd year high school na kami. May kanya-kanya nang mga kaibigan. Nasa higher section din siya kaya di ko na siya nakakasama. Ganun ba talaga mga nasa higher section? Masyado silang busy.



Friend no. 5


Isa rin siya sa mga magaganda kong kaibigan at kabatch at friend din namin nila friend nos. 3 and 4. Matalino, tahimik, parang sya yung mga character sa anime. Creative na tao, artistic. Emo din minsan at may lovelife. Hehe.. Madali mo siyang mapapangiti at mapapasaya at mapapaiyak, actress ah.Nakalimutan ko na rin kung paano kami naging close, kay bilis talaga ng mga pangyayari. Hindi ko na namamalayan na kaibigan ko na pala ang isang tao. Kasa-kasama din namin siya nila nos. 3 and 4. Sa totoo lang apat kaming magkakasama nung mga panahon na yon.

Nagsusulatan din kami pero nung first year lang. Kadalasan niyang problema eh yung boyfriend niya. Bakit niya kaya sa kin kinukonsulta ang tungkol dun eh wala nga kong kaalam-alam sa ganun.

Nawalan lang kami ng communication nung 2nd year. Nasa higher section din siya kaya aun busy-busihan din. Ano ba namang mga higher section na yan! Di ko sila mareach!



Friend no. 6

Naging classmate ko siya nung first year. Chubby siya pero cute at may pagka-isip bata kaya may times na hindi ako makarelate sa kanya o kaya naman hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. Tinatawag niya kong moomy noon, hindi ko alam kung bakit, mukha na ba kong nanay? Pero hindi pa naman kami close non. Wala nga kong pakealam sa mga kaklase ko nun eh kahit na ako ang presidente nila.

Nung 2nd year lang kami naging magclose. Buti nga medyo lumevel up na ang pag-iisip niya kaya madalas na kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay at kalokohan.
Naging close kami dahil siguro ako ang president at siya ang secretary. Hehe.
Palagi ko syang karamay, sa problema, kasiyahan at pati na rin tuwing pinapagalitan kami ng adviser naming. Sabay naming sasaluhin ang mga akusasyon sa min ng masungit naming teacher, mga sermon, pang-iinsulto, pang-aargabyado, pang-aabuso, lahat! Pero paglabas namin sabay kaming ngingiti at tatawa. Tinatawanan na lang naming yung teacher namin o kaya naman ang mga nangyari. Di namin dinadamdam ng lubos. Walang mabigat sa loob namin dahil alam namin sa sarili namin na wala kaming ginagawang masama. Madalas din akong pumunta sa bahay nila para….maghintay. Pag may practice hinihintay ko siya pati na rin sa pagpasok. NOTE: Ako lagi ang naghihitay sa mga kaibigan ko. Grabe! Nakakainip, ayoko pa namang naghihitay! Sana sa mga susunod kong magiging kaibigan.. utang na loob wag niyo kong paghintayin ng matagal!)

Hanggang third year magclassmate kami. Naging tahimik na ko nung third year at wala akong ganong close sa kanila dahil nasa pangatlong section kami kaya mga matatalino ang mga kasama ko at part yun ng HIGHER SECTION. I hate higher section. Siya lang ang iisa kong kaibigan dun para bang naaout of place ako noon kaya lang iniiwan niya ko minsan dahil kasama niya yung mga iba naming classmates na naging friends na din niya. Doon na ko nagsimulang magselos. Selosa pa naman ako pagdating sa kaibigan. Madalas na kami mag-away non pero naaayos din naman.

Nawala na ang closeness nung 4th year. She’s still in the higher section at ako ay umatras ng dalawa. Pag nagkakasalubong nginitian na lang o kaya konting usap.



Friend no. 7

Haba ng straight hair nito. Para bang model sa commercial ng shampoo. Matangkad, maganda, matalino, talentado. 2nd year kami naging magclassmate. Una kong impression sa kanya is malandi siya. Ang pangit ng tingin ko sa kanya noh?. Para bang naiirita ako sa aura niya pero hindi ako galit sa kanya. Siguro ayoko lang talaga yung mga pagurly girl. Siguro dahil na rin sa mga ksama niya na over magmake up. Kung ano yung naging tingin ko sa mga kasama niya eh yun na din ang naging tingin ko sa kanya.

Nakalimutan ko na rin kung paano kami naging mag close. Nagkamali ako sa unang impression ko. Hindi siya malandi, sa totoo lang simple lang siya at maayos manamit. Ang proper ng itsura pati sa gamit. Astig din kasi magaling siyang kumanta at mag gitara(siya nagturo sa kin mag gitara). Since then magkatabi na kami sa harapan kasama si Friend no. 6. Magkakasama kaming tatlo. Palagi rin akong pumupunta sa bahay nila at ang ginagawa naming ay matulog, magsoundtrip, kumain, magbasa, magsulat, maglinis, magtawanan, maggitara, magkantahan, halos doon na nga ko nakatira eh. Welcome na welcome ako sa bahay nila. Ang swerte nya nga kasi bunso siya kaso hiwalay ang magulang niya. Marami akong natutunan sa kanya, Madami siyang pananaw sa buhay. Mahilig siyang magpadrawing sa kin tapos ididikit niya sa pader ng kwarto niya para design. Sunset ang kadalasan kong idrawing dahil pareho naming gusto yun lalo na pag sa dagat. Gustong-gusto namin ang ganong scenery. Sana nga makapunta kami sa beach eh at sabay naming pagmamasdan ang paglubog ng araw.

Sa kanya ako natutong maggitara. Ang feeling ko kasi nun ay astig ang babaeng marunong maggitara kaya nagpaturo ako para maging astig, hehe.

Nagkahiwalay lang kami nung 4th year. Magkaibigan pa rin naman kami pero nasa ibang lugar na siya. Pacomment-comment na lang sa fs at fb. Haaay….



Sila ang mga naging bestfriend ko na hindi ko na kasama ngayon. Mga taong dumaan sa buhay ko na may iniwan pang bakas. Kung gaano ko sila kabilis makilala at maging kaibigan, ganon din kabilis ang pagkakawalay ko sa kanila. Kumusta na kaya sila ngayon? Sana ok lang sila at sana di nila ko makalimutan.

Kung mapapansin nyo halos may pagkakaparehas sa mga ikinuwento ko. Lahat sila naging kaibigan ko nang di inaasahan. Kung sino pa yung taong gusto kong maging kaibigan yun pa yung hindi ko nagiging kaibigan kahit close man lang eh hindi.

Kaibigan pa rin ang turing ko sa kanila pero hindi ko alam kung kaibigan pa rin ang turing nila sa kin. Hindi habang buhay ay makakasama mo ang kaibigan mo. Darating ang panahon na mawawalay siya sayo at masusubok ang tatag ng pagsasama niyo. Magakakaroon na ng kanya-kanyang buhay. Pero sana kahit mangyari ang mga ito, kahit hindi man magksama palagi at magkausap, kahit malayo man sa isa’t-isa, sana ganun pa rin ang turingan at sana walang kalimutan kahit na hindi habang buhay na magka

maghapon

Kasabay ng pagsibol ng araw
Mukha mo agad ang natanaw
Na sadyang nakakasilaw
Ako'y di makagalaw.
Araw ko'y gumanda,
Simula nang ika'y makita
Ngunit hanggang tingin lang
Pagkat damdamin koy di mo alam.

Pagdating ng tanghali
Ninais na masilip ka muli
At nakita nga kita
Na may ibang kasama
Para bang ako'y nanlumo
Dahil sa mga nakita ko
Gusto ko nang maglaho
At matapos ang araw na 'to.

Sumapit ang hapon
Di na kita natunton
Yayayain pa naman sana kita
Na magmeryenda
Pero malamang kasama mo pa rin
Yung babae kanina
At siya ang kasama mong kumain
Ngayon ako na lang mag-isa.

Kay ganda ng gabi
Nang ika'y makauwi
Hindi kita pinansin
Bagkus nakatingala sa mga bituin.
Sinamahan mo kong tumambay
Para bang hindi na ko sanay.
Sabi mo kailangan mo ng karamay
Dahil yung babae'y ika'y inaway.

Walang pagaalinlangang ako'y nakinig
Tungkol sa iyong pag-ibig
Pero sana'y iyong mapansin
Na ang kaharap mo'y nagmamahal rin.
Di ok alam kung anong meron maghapon.
Basta sayo lang ako nakatuon.
Oras ay kaybilis maubos,
Pero sana ngayong gabi'y wag nang matapos.

Para sa aking nanay.......

Isa akong anak na pasaway
At ikaw ang isang mabuting nanay
Madalas akong sumuway
Ngunit andyan ka pa rin para gumabay
Ang iyong pagpapasensya ay
Parang ilog na ang kahahantungan
Ay dagat ng iyong pag-ibig.
Hindi ako makakatagpo ng isang ina tulad mo
Libutin ko man ang buong daigdig.
Ang pagdidisiplina mo ay
Parang martilyo na
Dumudurog sa aking puso,
ngunit nagpabago sa aking mundo.
Ikaw ang tipo ng nanay na di ko iiwan
Pagkat pagmamahal mo'y walang hangganan.
Kahit matigas ang ulo ko,
Nandyan ka para magbigay payo.
Sa oras na ako'y lumuha at masaktan
Lalapi't ka't ako'y dadamayan.
Sana lumaki akong tulad mo
Matyaga, maaruga, maasikaso.
Hindi talaga kita ipagpapalit kahit kanino,
Magunaw man ang buong mundo.

PIPIKIT

Pipikit na nga lang ako
Biglang sa pintuan ay may kumatok,
Tinanong ako
Sabi ko ewan ko.
Ngayon, maipagpapatuloy ko na
Ang pagpikit ng aking mga mata.
Gusto ko n a kasing matulog
Dahil ako'y sobrang inaantok.

Pipikit muli ako
Ngunit may biglang kumalabog.
Mga yerong pinupukpok
Na nagpawala sa aking antok.
Sigawan ng mga bata
Na nakakabingi sa tenga
Sigawan ng mga nanay
Sa tahimik ay di sanay.

Paano pa ako makakatulog
Kung ang lahat ay magulo?
Walang katahhimikan,
Puro na lang sigawan.
Sana sila ay magtigil,
Upang sa aking pagpikit
Ang diwa ko ay matahimik.

Emo's Heart


My heart is in pain
And I felt ashamed
My heart is crying
Like I'm already falling
I wanted to die
But I don't know why
Somethings pulling me back to
To stop my plan
I wanted to run
To escape what I've done
I'm trying to be happy
But the sadness still staying

My heart is broken
It torn me apart
My heart is breaking
For all that is happening
Am I really helpless
Or am I really weird?
My emotion is the strongest
That takes me really deep
People don't understand me
They think I am crazy
Old ones judging me
They say I am changing
And that is why my heart aching,
Coz they don't know what I'm feeling.


My heart...
My heart is empty,
Please someone help me.

Soulmate

Hindi ko man alam kung saan siya naroon
Ngunit alam kong siya'y darating sa takdang panahon
Maghihintay ako sa kanyang pagdating
Malayo man siya sa aking piling

"Soulmate" kung siya'y tawagin
Inilaan sa bawat isa sa atin
Makakapiling natin habang buhay
Pag-ibig na walang kapantay.

Julie at Chelsea



Magbabalik sa nakaraan. Wala lang, naalala ko lang. Ang buhay nung fourth year high school. Sa kaliwa ay si Chelsea at ang sa kanan ay si Julie. Sila ang mga taong hindi dapat tularan. Hahaha! Sila ang mga maiingay kong katabi. Maganda si Chelsea, maputi, chinita kaya lang.... eskandalosa, grabe kasi kung makasigaw kahit nasa kalsada kami. Parang mahihiya ka kapag kasama mo siya kasi ang ingay niya at grabe kung makatawa, nawawala yung poise. Matalino naman si Chelsea kaya lang minsan tamad. Minsan nagugulat na lang ako alam niya yung sagot sa Math! hehe.

Si Julie naman, maganda rin daw.(haha, bakit may daw?)Matalino rin, at higit sa lahat laging kinikilig. Mahilig sa lovelife kaya nga hindi ako makarelate eh. Marami na siyang naging boyfriend na parang..... wala lang. Parang dumaan lang sa kanya at hindi niya sineryoso. Ewan ko kung may sineryoso ba siya dun. Laging badtrip at laging EMO! Emoterang Prinsesa daw siya.

So madalas kaming nagkokpyahan. natural magkakatabi kaya nagkokopyahan. Nasa pinakalikod kami kaya hindi nahahalata.

Hmm, wala naman akong aral na natutunan sa kanila. :) di rin naman nila ko naimpluwensiya, so bakit ko pa sila kinuwento? hehe, la lang. para siguro may malagay lang dito sa blog. Pero para sa kin sila ang tipo ng nilalang na kapag kasama mo hindi ka maboboring at malamang mainis ka dahil sa kadaldalan at kaingayan nung isa at kaemohan nung isa rin. hahaha!

BASAHIN MO!

........,
Sumulat ako para sabihin sa yo ang sama ng loob ko at pati na rin ang pasasalamat ko. Salamat dahil nung nakilala kita naintindihan ko ang mga bagay sa mundo ang kaso nga lang habang tumatagal lalo mo lang ginagawang komplikado ang mga bagay-bagay. Salamat kasi andyan ka para magbigay soLusyon sa mga problema ko pero minsan ikaw pa ang nagdudulot ng problema sa buhay ko. Bakit ka ba ganyan? Akala ko madali kitang mapakikisamahan, akala ko magtatagal tong samahan natin pero habang tumatagal lalo mo kong pinapahirapan. Paano ba kita pakikisamahan?! Pano kita iintindihin?!

Hindi na kita maintindihan! Hindi kita magets! Nagbago ka na! Dati napakadali mong intindihin, pakisamahan pero ngayon.............. . . . naguguluhan na ko sa yo! Hindi ko alam kung paano kita iintindihin! Paano ko pa maibabalik ang tiwala ko sa yo? Sobrang laki na ng pinagbago mo. Hindi na kita kilala!

Sobrang pinagtitiisan kita, pinagtyatyagaan kasi kailangan. Pilit ko mang lumayo sa yo hindi ko magawa kasi palagi kang andyan. San man ako tumingin nakikita kita, naririnig kita. Halos lahat ng tao ikaw ang pinaguusapan, bukambibig. Sikat ka na nga. Ang layo na ng loob ko sa yo. Ano masaya ka na at nahihirapan ako ng ganito?

Alam mo sana mawala ka na lang sa mundong 'to. Sana maglaho ka na na parang bula at makalimutan na kita! Pero hindi. . . . . . . . . alam kong hindi mangyayari yun. Mananatili ka sa mundong 'to at patuloy na pahihirapan ako.

Hindi ko magawang lumayo sa yo o umiwas sa yo kasi kailangan kita, hindi ko kaya pag wala ka at alam mo yan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kita pagtitiisan. Gustong-gusto kitang intindihin. Maintindihan ko lang kung anong punto mo eh masaya na ko. Sobrang sasabog na ang utak ko kakaisip sa yo, di ko kasi matanto kung anong ibig mong sabihin.










Sana balang araw maintindihan na kita........ MATH.







Nagrereklamo,
Repa

nakakamiss

Nakakamiss ung samahan natin
Yung time na nagoovernyt ka sa min
Dami nating pinagkukwentuhan
Pinaguusapan at pinagtatawanan
Kantahan at kainan
Para lang problema’y makalimutan.
Ngunit di mo naiwasang lumuha
At bigla na lang akong natulala
Di ako nakapagsalita
Inisip ko na lang kung pano ulit kita mapapatawa
Dahil mas gusto kitang nakikitang masaya

Sa mga oras na to
Ikaw ang naaalala ko
Ilang araw na tayong di nagkikita
At dito sa bahay ay di ka na bumibisita
Kumusta ka na kaya?

Hindi ko alam kung ok ba tayong dalawa
Parang kailan lang tayo ay magkasama
Masaya ka kaya?
Tumatawa o lumuluha?
Namimiss mo ba yung mga corny kong biro
O sawa ka na sa pagmumukha ko? (Hehe)

Di ko maiwasang mag-isip
Kung ano na ba ang nangyari sa yo
Sana kahit isang saglit ika’y masilip
Para malaman ko kung ano nang kalagayan mo.
Nag-aalala ko na baka balang araw
Hindi na kita matanaw
Na hindi na kita masilayan
At ako’y mawalan ng kaibigan.

Hanggang sa muli

Naaalala ko pa nung una tayong nagkita
Ngumiti ka't nakipagkaibigan
Naaalala mo ba nung tayo'y magkasama
Para bang wala nang katapusan
Pero ngayon, lalayo ka na
Parang kahapon lang kama'y nati'y magkahawak
Ngayon kailangan na nating magbitaw

Mga alaala natin
Andito pa rin sa akin
Mga pagsubok na ating pinagdaanan
Di ko malilimutan

Malayo ka man nandito pa rin ako
Makakausap mo kahit malayo
Hindi ito pamamaalam
Hindi pa to ang huli
Kaya hanggang sa muli
Tayo'y magkikita pa rin.
 

Template by Best Web Hosting