After 2 days nakalabas na naman ako ng bahay. Nagpabunot na naman ng ngipin si Taylor este Pearl. Pumunta kami ng Sm North at Trinoma. Yehey! nakawala na naman ako sa hawla! Masasabi kong malas ako at swerte. Malas kasi wala kong pera at swerte dahil nilibre na naman ako. May show sa Sm yung Talentadong Pinoy. Manonood sana kami, nakapila na nga kami eh, kaso sobrang tagal at naiinip na kami, nagugutom na at nangangawit. Sabi 4pm ang start pero 4 na hindi pa rin pinapapasok sa Skydom. Di kami makapagdesisyon kung aalis na lang ba kami o maghihintay pa rin. Gusto na rin namin umalis kasi nagugutom na kami kaso nakakapanghinayang naman. Nagbato-bato pik pa kami, kapag nanalo ako aalis na kami pero pag nanalo siya hihintayin namin. Nanalo siya but we end up eating at Mcdonald. Pambihira, nagbato-bato pik pa kami sa Mcdonald din pala bagsak namin. So nasa Trinoma na kami. Nagbasa sa Powerbooks (as usual) at naglibot-libot. Nasa labas kami sa taas at pinagusapan ang topic na nilumot na, na hanggang ngayon eh pinag-uusapan pa rin namin.
Pearl: Anong plano mo?
Bai: Ang makinig sa plano mo.
(saglit na katahimikan)
Bai: San ka na mag-aaral?
Pearl: Try nga natin sa NEU diba?
Bai: Papayagan ka ba ng mama mo?
Pearl: Di ko nga alam eh.. ewan, ayaw naman niya eh.
Bai: Ako nga rin eh.
Mga ganyang topic ang paulit-ulit naming pinaguusapan. Walang katapusan. Di malaman kung saan mag-aaral.
Bumalik kami sa Sm north. Papunta don nakita namin yung buwan, kulay dilaw. Pinipicturan pa ng mga tao yung buwan, parang ngayon lang nakakita ng ganun.
PAgbalik sa Sm marami pa ring nakapila para sa 2nd batch ng show ng Talentadong Pinoy. Di na kami nagtangkangka pang pumila. Tinamad na kami. Tapos kumain naman kami sa Jollibee. Di pa inubos ni Pearl, sayang lang, sabagay pera naman niya yun. Di ko nga alam kung wala talaga siyang ganang kumain dahil sa ngipin niya o .... nagdadiet na siya. haha! Basta ako nabusog ako.
Sayang talaga yung sa TV5.
Di na ata mauulit yung panlilibre niya sa kin, hehe. Last na ata yun ngayon. Sa susunod ako naman ang manlilibre sa kanya.. pag may trabaho na ko.
Nag-uumapaw na karanasan
Ang saya ngayong araw! Kakaenjoy. Super adventure pero nakakapagod. hehe. Dapat pupunta ng trinoma at sm north kaso nagkamali kami ng sakay. Bus sinakyan namin baba ng ortigas. Nasa Ortigas ba ang sm north? Lam ko kasi dun yun , yun pala hindi kaya nagMOA na lang kami as in Mall of Asia. Ang haba ng byahe. Kung anu-ano nang sinakyan namin. Una bus, pagsakay ko mejo nahilo pa ko. Di sanay tsaka ngayon lang ulit ako nakasakay sa bus. Bata pa kasi ko non nung huli akong sumakay ng bus. Tapos MRT naman. Naignorante ako, haha! Parang taong bundok lang ah. First time kong sumakay ng mrt. Ang daming pasahero, siksikan, yung iba nakatayo na lang. Doon mo talaga makikita kung sino yung mga gentleman at hindi. May mga lalaki kasi na nakaupo at hindi pinapaupo yung mga nakatayong babae. Grabe talaga. tsk. Nakakatakot din dun kasi sa sobrang siksikan eh baka madukutan ka. Pagbaba ng MRT sa Taft napunta kami sa Baclaran. First time ko ding pumunta doon. Ang layo ng nilakad namin. Ang init tapos ang daming tao. Pag ganun pa naman eh mabilis akong mahilo pero kanina hindi ko naramdaman yun kasi nageenjoy naman ako. Paglabas ng Baclaran nagtaxi na kami. Ayun nakarating naman ng ligtas. Ang dami naming sinakyan kulang na lang sumakay na kami ng eroplano.
Pagdating sa MOA, ibat-ibang nilalang na naman ang nakita ko. Halos lahat mga mayayaman at foreigner. Karamihan ay mga koreano. Ba't kaya ang daming koreano dito sa Pinas? Gusto ba nila dito? Samantalang ang ganda-ganda sa Korea, gusto ko ngang pumunta dun eh. Palit na lang kaya kami. Speaking of Korea, simula nung sumukay kami ng Bus, Mrt at makarating sa MOA, Korean movies ang mga naaalala namin. Like sa bus, sa mga korean drama may nagaganap na habulan. Hinahabol yung bus pero nakakapagtaka kasi hindi humihinto yung bus, basta yung mga ganong eksena. Tapos yung sa MRT, eksena sa WIndstruck, Sassy Girl, Baby and me etc. Sumasakay sila ng Mrt. Nung papunta na sa MOA ang ganda nung lugar. Ang linis tignan nung paligid tapos may mga puno, feeling ko nasa Korea kami. Haaay, puro Korea na lang.
Ang ganda dun sa MOA, maiisip mong hindi naman pala mahirap ang Pilipinas kasi may ganong lugar. Pagdating dun kumain kami at konting libot, as in konti lang, haha. Umuwi na rin agad kasi hapon na. Ginabi na nga kami eh.
Ang daming sosyal dun sa MOA, mga hindi ko kauri. Ewan ko kung makakabalik pa ko dun. Siguro kapag may trabaho na ko, haha!( ang tagal pa nun ). After three days na nakakulong sa bahay ,kanina ay nakawala ako... wahahaha! nakalibre pa, salamat sa nanlibre sa kin. Di ko malilimutan yun.

Summer Loner
Bakasyon na, summer na at heto ako, sa bahay nagbabakasyon. Di man lang ako makasama sa mga swimming at outing. Nakakainggit nga eh, sana man lang makapagbakasyon ako sa ibang lugar gaya ng probinsya. Gusto kong magpakalayo-layo sa magulong lugar na to. Payapa kasi sa probinsya kaya mas gusto ko don.Iniimagine ko na lang na nasa beach ako while watching the sunset, haha.
Lagi lang akong nakakulong sa kwarto, kain-tulog. Lagi ko ring kaharap yung laptop. Minsan naman papel at ballpen at minsan din gitara. Nababagot na ko dito sa bahay.

You're my song
walang maisip
haay.. kung anu-ano na lang ang nilalagay kong pamagat para sa blog ko. wala na kasi ko maisip na maganda eh. ano kaya?
Si Pearl, si Pearl, si Pearl. Lagi na lang si Pearl
Si Pearl- nakilala ko nung 2nd sem. Nung nakita ko siya akala ko mas matanda siya sa kin, mga nasa 18 or 19. Yun pala mas bata siya sa kin.Maganda naman siya kaya lang siguro konting ayos pa para magmukha siyang teenager talaga. Para kasing Maria Clara ang dating. hehe. Tandang-tanda ko pa nung nginitian niya ko sa Expression. Inisip ko na baka hindi ako yung nginingitian niya. Lumingon ako sa likod ko kasi nga baka hindi ako yon. Walang tao. Ako lang ang nandon. Sa kin nga siya ngumiti! Ngumiti din ako kaso di na siya nakatingin. Nag-alala ako dahil baka isipin niya masungit ako.
Si Pearl-Kaibigan ang turing ko sa kanya pero di ko alam kung kaibigan din ang turing niya sa kin. Kakaiba siya sa mga naging kaibigan ko. Walang physical contact.. i mean hindi kami naghahawak kamay, hindi siya humahawak sa braso ko di tulad nung mga kabigan ko na pag kasama ko eh todo hawak sa kin at halos pumulupot na sa kin na akala mo naman eh maliligaw. Sila pa ang may ganang humawak sa kin samantalang ang payat ko at sila hindi. Dapat nga ako pa kumapit sa kanila dahil baka liparin ako. Hampas at palo sa likod lang siguro ang physical contact namin. haha.
Si Pearl-feeling ko ayaw niya ng mga seryosong usapan. Gusto niya laging tumatawa at masaya. Hindi mo siya makakausap sa mga seryosong bagay dahil ang sasabihin niya lang sa yo ay... "Ang drama mo naman" o kaya "Charot!". Kaya kung may problema ka, maghanap ka ng ibang makakasusap or wag mo siyang kakausapin pagdating sa seryosong usapan kahit siya na lang ang tao sa mundo dahil mababanas ka lang o lalong magkakaproblema.
Si Pearl-pilosopo
Si Pearl-Favorite si Taylor Swift. Gusto na nga niyang tularan eh. Kulang na lang magpakulot na siya.
Si Pearl-nahawa kay Bob Ong. Simula nang mabasa niya ang mga libro ni Bob Ong ay nagkakaroon na siya ng mga pananaw sa buhay.
Si Pearl- ahmm, ayoko nang banggitin yung iba, masyado nang personal, hehe. Marami pa kong gustong malaman sa kanya kaso.. ewan. Di ko alam kung masikreto ba siya o umiiwas sa usapan na ayaw niyang pag-usapan(ang gulo).

Best Friends Forever?
Lahat tayo may bestfriend pero hindi lahat nagtatagal. May ilan na napapahiwalay dahil sa sitwasyon sa buhay, karamihan mga busy na, meron din namang away ang dahilan ng paghihiwalay at meron din namang nang-iiwan talaga.
Marami na kong naging kaibigan pero hindi ko na sila kasama ngayon. Friends come and go. Kaya nga nabago ang paniniwala ko sa katagang BFF o Best Friends Forever. Nung bata kasi ako paniwalang-paniwala ako sa ganun, yung walang iwanan. Pero nang maranasan ko na maiwanan ng kaibigan nagbago na ang pananaw ko. Para sa kin wala naman talagang BFF , yun lang naman ay opinyon ko base sa mga naranasan ko.
Friend no. 1
Nakilala ko sa lugar na nilipatan namin. Nung una kaming nagkakilala bata pa ko noon at nagbabike sa bakuran. Nakikitira pa lang kami nun dahil di pa tapos yung bahay namin. May lumapit na batang babae sa kin na kasing edad ko lang, nakipagkilala siya at gustong makipaglaro kaso..... sinungitan ko siya............ Yun ang sabi ni Friend no.1 na hindi ko maalala. Natandaan ko nga yun pero hindi ko matandaan yung part na sinungitan ko siya non. Pero sabagay suplada nga naman talaga ako nung bata ako. Lahat ng kalaro ko inaaway ko pero ang totoo pikon ako. So yun na nga naging close kami at palagi nang magkalaro. Kahit masama ang ugali ko nun pinagtyatyagaan niya ko at yun ang nagustuhan ko sa kanya. Hanggang grade school magkaibigan pa rin kami at magkasama rin kami sa choir pero simula nang maghighschool ako dun na kami unti-unting nagkalayo. (h.s. na ko at sya naman ay gr.6)
Naging busy na pareho. At may times na nagkakailangan na. Nagkakamustahan naman kami at nagabatian pero hanggang doon na lang. Hindi na nakakapagopen ng problema. Ganun kabilis natapos yun.
Friend no. 2
Nakilala ko siya nung grade 4. First day of school nakita ko siya, parang bago lang siya sa paningin ko at tama nga ko transferie pala siya. Mahaba ang buhok niya noon at matalino. Hindi ko na matandaan kung paano kami naging close. Siguro dahil sa magkasunod ang apelyido namin o yung last name niyang Reyes ay middle name ko (hehe). Magkatabi kami noon kaya dun na siguro nagsimula yun( may memory gap na) Simple lang siya at mahinhing babae. Isang klase ng babae na dapat tularan. Napakaayos niya at di tulad ng mga gr.4 student na magugulo at parang bata pa kumilos. Siya talaga ay parang matured na kung kumilos. Kalamado lang siya. Hindi marunong magpanic.
Nakakatuwa nga dahil nung grade 5 kami nagsusulatan pa kami samantalang magkaklase naman kami. Ako ang pasimuno non hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Hindi rin kasi kami gaanong makapagkwentuhan sa room dahil ang daming ginagawa at busy siya, alam nyo naman ang mga matatalino madaming appointment. Feeling ko ang lawak-lawak ng room at ang layu-layo niya sa kin para hindi kami makapag-usap.
Nung nalipat ako ng section nung grade 6 lalo pa kaming nagsusulatan at nagkakamustahan. Syempre hindi ko na siya nakakasama kaya sulat na lang ang nagcoconnect sa min (masyadong makaluma diba?)
Pag may problema talaga ko nagbibigay siya ng payo at lagi niya kong sinusuportahan sa mga ginagawa ko at yun ang gusto ko sa kanya. Pag may mga achievement ako sa school kicocongrats niya ko at proud din siya, kasama ko siyang nagsasaya sa tagumpay ko. Nararamdaman din niya kapag medyo sumasablay ako sa school na madali akong magpaapekto sa problema at pati grades ko damay. Kahit di ko sabihin sa kanya alam na niya. Concern siya pag ganun na yung sitwayon ko. Hindi sa pagmamayabang pero ang tingin niya kasi sa kin ay matalino rin kaya kapag alam niyang bumaba ang grades ko pangangaralan niya na ko. Kung tutuusin para siya na ang naging ate ko.
Nang maghigh school na kami dun na kami lalong nagkahiwalay. Lumayo lalo ang agwat namin sa isa’t-isa. Nasa star section pa rin siya samantalang ako pababa na ng pababa. Hindi na kami nagsusulatan. Patext-text na lang minsan. Nauso ang friendster noon kaya hanggang sa pacomment-comment na lang.
Hindi na tulad ng dati. Panibagong kaibigan na naman.
Friend no. 3
Kasa-kasama rin namin siya ni Friend no. 1 pero hindi pa kami totally magbestfriend nung mga bata pa kami. Saka ko lang siya naging close nung grade 5. Maganda siya, maputi, artistahin kaya nga nung bata ako naiinsecure ako sa kanya(aminado). Ayoko kasing nalalamangan ako. Maganda at cute rin naman ako nung bata ako kaya nga lang MAS maganda at cute siya sa kin.
Naimpluwensyahan rin naman niya ako kahit konti. Pero sa totoo lang napapahamak ako pag kasama ko siya o minsan palpak yung mga nangyayari, may times kasi na sunod-sunuran ako sa kanya, feeling ko kasi alam niya, marunong siya at maparaan. Siya ang tinatanong ko kapag hindi ako makapagdesisyon.Ganun kalaki yung tiwala ko sa kanya.
Tanggap ko kung sino siya. Kahit na may ugali siya na hindi maganda ok lang. Kaya lang hindi siya tanggap ng magulang ko dahil nga sa attitude niya. Pinagsasabihan nila ako na layuan ko na siya dahil bad influence daw kaso lang hindi ko magawa. Kahit minsan naiinis na rin ako sa kanya hindi ko magawang layuan siya, hindi ko siya matiis.
Biglang dumating yung time na nagbago yung tingin ko sa kanya. Doon talaga nasubok yung pagkakaibigan namin at ang resulta ay…. SOBRANG SAKIT. Bumaba ang respeto ko sa kanya at nawala ang napakalaki kong tiwala sa kanya. Pinagtakpan niya ang ginawang kasalanan sa kin ng boyfriend niya. Nadamay na pati magulang ko pero wala siyang inamin ni isa. Para bang nalaglag ako sa ere. Pinili niya ang boyfriend niya kaysa sa kin na kaibigan niya na siyang biktima at inosente sa nangyari.
Nagalit ako nun, nasaktan, umiyak, nawalan ng kaibigan pero hindi pa naman katapusan ng mundo non. Hindi lang siya ang maaari kong maging kaibigan. Marami dyan at marami pa kong makikilala. Humingi siya ng tawad at simula nun hindi ko na siya pinansin. Hindi ako ang nagtapos ng pagkakaibigan namin kundi siya mismo. Hindi ko alam noon kung kailan ko siya mapapatawad. Hanggang sa unti-unti na lang nawala yung galit. Napatawad ko na siya, Nawala na rin ang galit pati na ang lahat-lahat ng namamagitan sa min.
Isang buwan matapos yun nabalitaan ko na lang na nagdadalang-tao siya. Huminto siya sa pag-aaral at nagpakalayu-layo. Hindi ako natuwa bagkus nanghinayang ako para sa kanya.
Doon ko narealize na yung inaakala mong tao na marunong na sa buhay, matured, yung tipong alam na kung anong gagawin ay yun pa yung taong makakagawa ng malaking kamalian sa buhay. Taong akala mo nararapat tularan yun pala sasablay din sa huli.
Friend no.4
Naging classmate ko siya nung grade 6 pero nameet ko siya nung grade 5. Si friend no.3 ang nagpakilala sa kin sa kanya. Nung una ko siyang nameet ang ingay-ingay niya, sigaw siya ng sigaw doon sa tambayan namin sa court pero deadma lang ako non kasi nga di naman kami close. At feeling ko rin noon ay masungit siya.Pero nung gr. 6 na kay bilis ng pangyayari, close na kami agad. Di ko alam kung dahil ba sa pareho kaming kulot o ano pero basta nagustuhan ko siya bilang kaibigan kasi lagi niya kong nililibre at pinapakain sa bahay nila.. hehe, I’m just kidding. Alphabetical arrange pa ang seating arrangement non kaya magkatabi kami. Wala siyang ginawa kundi daldalin ako, nahawa na nga ata ako sa kanya eh.
Napakatapang niya, mali man siya o tama basta away kung away. Sigaw pa lang niya siguradong talo ka na. Tingin ko nga bagay siya maging lawyer dahil magaling siyang rumason at palaban talaga. Siya ang tagapagtanggol namin. Kakatuwa nga kasi siya president namin eh.
“Tahimik!”
“Ano ba!! Hindi ka tatahimik?!”
“Wag kayong maingay!”
Yan ang mga kadalasang linya niya sa school noon. Para bang lahat ng sasabihin niya ay may exclamation point. Kahit magkalapit lang kayo talagang may sigaw. Hindi naman siya bingi pero natural na siguro yun sa kanya. Masayahin siya pero at the same time, emo. Madrama din minsan at sa likod ng pagkamatapang niya ay may nagtatagong iyakin, haha! Mabilis din siya minsan umiyak, pwede nang artista kasi bagay siyang bida at kontrabida at pati na rin sa mga horror films, katakot kasi siya pag seryoso at galit na eh.
Ang di ko makakalimutan sa kanya non ay tuwing pupunta kami sa bahay niya pagtapos ng klase o pag may practice, walang pasok, may occasion meaning.. araw-araw, anytime welcome kaming pumunta doon. Gusting-gusto ko doon dahil.. maraming pagkain.. haha! At may cable sila kay ang ginagawa lang naming mag-hapon ay kumain, manood at magkwentuhan. Pero baka isipin niyo na kinaibigan ko lang siya dahil sa mga ganun. Siya kasi yung tipo ng kaibigan na hindi ka niya hahayaan na manatili na lang dyan sa pwesto mo na hindi mo naman dapat kalagayan. Ang lalim noh?
Nagsimula na kaming magkahiwalay nung 3rd year high school na kami. May kanya-kanya nang mga kaibigan. Nasa higher section din siya kaya di ko na siya nakakasama. Ganun ba talaga mga nasa higher section? Masyado silang busy.
Friend no. 5
Isa rin siya sa mga magaganda kong kaibigan at kabatch at friend din namin nila friend nos. 3 and 4. Matalino, tahimik, parang sya yung mga character sa anime. Creative na tao, artistic. Emo din minsan at may lovelife. Hehe.. Madali mo siyang mapapangiti at mapapasaya at mapapaiyak, actress ah.Nakalimutan ko na rin kung paano kami naging close, kay bilis talaga ng mga pangyayari. Hindi ko na namamalayan na kaibigan ko na pala ang isang tao. Kasa-kasama din namin siya nila nos. 3 and 4. Sa totoo lang apat kaming magkakasama nung mga panahon na yon.
Nagsusulatan din kami pero nung first year lang. Kadalasan niyang problema eh yung boyfriend niya. Bakit niya kaya sa kin kinukonsulta ang tungkol dun eh wala nga kong kaalam-alam sa ganun.
Nawalan lang kami ng communication nung 2nd year. Nasa higher section din siya kaya aun busy-busihan din. Ano ba namang mga higher section na yan! Di ko sila mareach!
Friend no. 6
Naging classmate ko siya nung first year. Chubby siya pero cute at may pagka-isip bata kaya may times na hindi ako makarelate sa kanya o kaya naman hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. Tinatawag niya kong moomy noon, hindi ko alam kung bakit, mukha na ba kong nanay? Pero hindi pa naman kami close non. Wala nga kong pakealam sa mga kaklase ko nun eh kahit na ako ang presidente nila.
Nung 2nd year lang kami naging magclose. Buti nga medyo lumevel up na ang pag-iisip niya kaya madalas na kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay at kalokohan.
Naging close kami dahil siguro ako ang president at siya ang secretary. Hehe.
Palagi ko syang karamay, sa problema, kasiyahan at pati na rin tuwing pinapagalitan kami ng adviser naming. Sabay naming sasaluhin ang mga akusasyon sa min ng masungit naming teacher, mga sermon, pang-iinsulto, pang-aargabyado, pang-aabuso, lahat! Pero paglabas namin sabay kaming ngingiti at tatawa. Tinatawanan na lang naming yung teacher namin o kaya naman ang mga nangyari. Di namin dinadamdam ng lubos. Walang mabigat sa loob namin dahil alam namin sa sarili namin na wala kaming ginagawang masama. Madalas din akong pumunta sa bahay nila para….maghintay. Pag may practice hinihintay ko siya pati na rin sa pagpasok. NOTE: Ako lagi ang naghihitay sa mga kaibigan ko. Grabe! Nakakainip, ayoko pa namang naghihitay! Sana sa mga susunod kong magiging kaibigan.. utang na loob wag niyo kong paghintayin ng matagal!)
Hanggang third year magclassmate kami. Naging tahimik na ko nung third year at wala akong ganong close sa kanila dahil nasa pangatlong section kami kaya mga matatalino ang mga kasama ko at part yun ng HIGHER SECTION. I hate higher section. Siya lang ang iisa kong kaibigan dun para bang naaout of place ako noon kaya lang iniiwan niya ko minsan dahil kasama niya yung mga iba naming classmates na naging friends na din niya. Doon na ko nagsimulang magselos. Selosa pa naman ako pagdating sa kaibigan. Madalas na kami mag-away non pero naaayos din naman.
Nawala na ang closeness nung 4th year. She’s still in the higher section at ako ay umatras ng dalawa. Pag nagkakasalubong nginitian na lang o kaya konting usap.
Friend no. 7
Haba ng straight hair nito. Para bang model sa commercial ng shampoo. Matangkad, maganda, matalino, talentado. 2nd year kami naging magclassmate. Una kong impression sa kanya is malandi siya. Ang pangit ng tingin ko sa kanya noh?. Para bang naiirita ako sa aura niya pero hindi ako galit sa kanya. Siguro ayoko lang talaga yung mga pagurly girl. Siguro dahil na rin sa mga ksama niya na over magmake up. Kung ano yung naging tingin ko sa mga kasama niya eh yun na din ang naging tingin ko sa kanya.
Nakalimutan ko na rin kung paano kami naging mag close. Nagkamali ako sa unang impression ko. Hindi siya malandi, sa totoo lang simple lang siya at maayos manamit. Ang proper ng itsura pati sa gamit. Astig din kasi magaling siyang kumanta at mag gitara(siya nagturo sa kin mag gitara). Since then magkatabi na kami sa harapan kasama si Friend no. 6. Magkakasama kaming tatlo. Palagi rin akong pumupunta sa bahay nila at ang ginagawa naming ay matulog, magsoundtrip, kumain, magbasa, magsulat, maglinis, magtawanan, maggitara, magkantahan, halos doon na nga ko nakatira eh. Welcome na welcome ako sa bahay nila. Ang swerte nya nga kasi bunso siya kaso hiwalay ang magulang niya. Marami akong natutunan sa kanya, Madami siyang pananaw sa buhay. Mahilig siyang magpadrawing sa kin tapos ididikit niya sa pader ng kwarto niya para design. Sunset ang kadalasan kong idrawing dahil pareho naming gusto yun lalo na pag sa dagat. Gustong-gusto namin ang ganong scenery. Sana nga makapunta kami sa beach eh at sabay naming pagmamasdan ang paglubog ng araw.
Sa kanya ako natutong maggitara. Ang feeling ko kasi nun ay astig ang babaeng marunong maggitara kaya nagpaturo ako para maging astig, hehe.
Nagkahiwalay lang kami nung 4th year. Magkaibigan pa rin naman kami pero nasa ibang lugar na siya. Pacomment-comment na lang sa fs at fb. Haaay….
Sila ang mga naging bestfriend ko na hindi ko na kasama ngayon. Mga taong dumaan sa buhay ko na may iniwan pang bakas. Kung gaano ko sila kabilis makilala at maging kaibigan, ganon din kabilis ang pagkakawalay ko sa kanila. Kumusta na kaya sila ngayon? Sana ok lang sila at sana di nila ko makalimutan.
Kung mapapansin nyo halos may pagkakaparehas sa mga ikinuwento ko. Lahat sila naging kaibigan ko nang di inaasahan. Kung sino pa yung taong gusto kong maging kaibigan yun pa yung hindi ko nagiging kaibigan kahit close man lang eh hindi.
Kaibigan pa rin ang turing ko sa kanila pero hindi ko alam kung kaibigan pa rin ang turing nila sa kin. Hindi habang buhay ay makakasama mo ang kaibigan mo. Darating ang panahon na mawawalay siya sayo at masusubok ang tatag ng pagsasama niyo. Magakakaroon na ng kanya-kanyang buhay. Pero sana kahit mangyari ang mga ito, kahit hindi man magksama palagi at magkausap, kahit malayo man sa isa’t-isa, sana ganun pa rin ang turingan at sana walang kalimutan kahit na hindi habang buhay na magka

maghapon
Kasabay ng pagsibol ng araw
Mukha mo agad ang natanaw
Na sadyang nakakasilaw
Ako'y di makagalaw.
Araw ko'y gumanda,
Simula nang ika'y makita
Ngunit hanggang tingin lang
Pagkat damdamin koy di mo alam.
Pagdating ng tanghali
Ninais na masilip ka muli
At nakita nga kita
Na may ibang kasama
Para bang ako'y nanlumo
Dahil sa mga nakita ko
Gusto ko nang maglaho
At matapos ang araw na 'to.
Sumapit ang hapon
Di na kita natunton
Yayayain pa naman sana kita
Na magmeryenda
Pero malamang kasama mo pa rin
Yung babae kanina
At siya ang kasama mong kumain
Ngayon ako na lang mag-isa.
Kay ganda ng gabi
Nang ika'y makauwi
Hindi kita pinansin
Bagkus nakatingala sa mga bituin.
Sinamahan mo kong tumambay
Para bang hindi na ko sanay.
Sabi mo kailangan mo ng karamay
Dahil yung babae'y ika'y inaway.
Walang pagaalinlangang ako'y nakinig
Tungkol sa iyong pag-ibig
Pero sana'y iyong mapansin
Na ang kaharap mo'y nagmamahal rin.
Di ok alam kung anong meron maghapon.
Basta sayo lang ako nakatuon.
Oras ay kaybilis maubos,
Pero sana ngayong gabi'y wag nang matapos.

Subscribe to:
Posts (Atom)