isang libong tula

isang libong tula ang aking lilikhain
para lang iyong mahalin
mabubulaklak na salita
kailanma'y di malalanta
malalaman mo ang tunay kong damdamin
pag tula ko'y iyong dadamhin.
hindi mamahalin ang aking tula
ngunit ito'y napakahalaga
hindi mabibili ninuman
iyong-iyo ito kailanpaman...

kung gagawa ako

kung gagawa ako ng isang nobela
siguradong tatamarin ang mambabasa
mas ok na yung maikli
basta't direct to the point ang sinasabi
tulad ng ginagawa ko ngayon
sa paggawa ng tula nakatuon.
kung gagawa ako ng isang istorya
dapat ay yung kakaiba
hindi kinopya
orihinal at sariling gawa.
kung magcocompose ako ng kanta
dapat ay yung maganda
tao'y mapapakanta
pag awitin ko'y narining nila
love song para sa magboyfriend
theme song para sa magbestfriend.
kung ikaw ay isang mambabasa
intindihing mabuti ang mga salita
husgahan mo man o hindi
wala akong pakealam sa opinyon mong mali


at kung gagawin ko ang lahat ng ito
siguradong sisikat ako!!!

hahaha...

Grade 4 ..




Ito ang class picture namin nung grade 4 na nagmula pa sa baul na pinagtyagaan kong halukayin.. hehe. Keme lang. Natagpuan ko lang to sa facebook, sa photo album ng ex-classmate ko. Hanapin nyo nga ko dyan?Ang makahanap ay may libreng candy sa kin, haha. Ang papangit pa namin nun noh? Katabi ko dyan si Amia, bestfriend ko nun. Close tlaga kami sa picture na yan, ayan may clue na.

Ito ay section Diamond, higher section na kinabibilangan ko noon na pilit kong inoovercome. Pano naman kasi, mga matatalino mga classmate ko, malamang kaya kong makipagsabayan sa kanila. Dati kahit galingan ko, kahit na pag-igihan ko at gawin ko lahat ng makakaya ko hindi pa rin ako nakakasama sa top.

Haay, it brings back all the memories. Lahat talaga sila matatalino. Hindi ko nga alam kung bakit ako kabilang sa section na yun. Saling pusa lang ata ko. And Im sure na lahat sila ay nag-aaral sa isang university dahil nga matatalino sila.

Hindi lahat sila naging kaibigan ko o naging close. Allergic ata ako sa mga matatalino. Kumusta na kaya sila ngayon? Naaalala pa kaya nila yung classmate nilang hindi pumasok ng isang buwan at kalahati dahil nagkasakit kakakain ng kwek-kwek? Siguro hindi na.....

tampuhan

isang linggong walang pansinan
isang linggong walang imikan
hindi ka ba nagsasawa
sa 'ting away magkaibigan?

isang linggong di nagkita
para bang akoy naiinip na
miss na kasi kita
kaya lang pride ay ayaw bumaba

isang buwang walang balita
isang buwang di masaya
ako pa kaya'y naaalala
ng kaibigang aking napaluha

di maiwasan sa magkaibigan
ang tampuhan
di pagkakaintindihan
maraming pagdadaanan
sabay nating mararanasan
pero di ko makakayanan
na mawalan ng isang kaibigan
kaya sana matapos na ang ating tampuhan....

Debut: Once in a lifetime

Debut, isa itong tradisyon kung saan isinecelebrate ng isang babae ang pagdadalaga niya.Ito'y nagaganap pag humantong na sa labing walong taong gulang. It is the age of maturity, meaning you're now a lady. Di ko alam kung bakit kailngan pang icelebrate ang ganong okasyon samantalang pwede namang maghanda na lang ng pansit o magpainom. Hindi ko rin alam kung anong kahalagahan nun at ayoko nang alamin. Sabi nila once in a lifetime lang daw yun kaya naman bonggang bongga ang handaan, party kung party. Isang beses ka lang magdidisi otso kaya lubus-lubusin na. Kahit gipit sige lang, magdebut pa rin, dyan mahilig ang mga pilipino, sa mga party at kainan. Feeling mayaman, ok lang sana kung mapera ka talaga, gumastos ka ng bongga para sa debut mo pero kung pangtuition pa nga lang eh hirap na hirap na bakit pa mag-aaksaya ng panahon para sa debut? ipangbayad na lang sa matrikula yung pang birthday. Unahin ang mas importante, ika nga.

Nakaattend na rin ako ng debut. First time ko nung grade two pa lang ako. Debut ng pinsan ko at masasabi kong yun ang pinakamagarbong debut na napuntahan ko. Ang lawak nung lugar at ang sososyal ng mga tao. Ang tawag daw dun ay Cotillion. May escort, may waltz dance, 18 candles, 18 roses,18 treasures, tas may mga nagmessage pa sa kanya at may mga performance din like singing at dancing. At higit sa lahat, ang paborito ng lahat... ang kainan. Ang sasarap ng pagkain, pangmayaman talaga, may mga nagseserve pa. Tungkol naman dun sa gown, kung ano daw yung favorite mong color yun daw ang magiging kulay ng gown mo at ng iba pang design sa debut mo. Majority na color ay pink or blue. Gosh, pangbabae talaga, eh paano kaya kung black ang gusto ko? Pwede kaya yun? Ang pinakahuling nangyari ay sayawan. Ang kapal nga ng mukha ko eh, kasi nakipagsabayan ako doon sa mga binata at mga dalagang sumasayaw samantalang ang bata-bata ko pa. Parang nasa club yung dating pero masaya. Di ko talaga makakalimutan yun lalo na yung gown nung pinsan ko at syempre yung pagkain. haha!


Yung ibang debut na napuntahan ko which is sa mga kaibigan ko, bongga rin naman pero simple lang but still masaya pa rin dahil may kainan. Nakasali na rin ako sa 18 candles (sabi ko nga 18 roses na lang eh. haha), magmemessage ka dun sa debutante while holding a candle(parang binyag lang ah). Sasabihin mo kung anong wish mo sa kanya, di ko lang sure kung kabilang dun yung "sana magbago ka na". MAke sure na hindi puro kaplastican yung sasabihin mo, hehe. Everytime na may debut at imbitado ako lagi na lang akong namomroblema dahil sa susuotin ko. Kailangan nakagown or dress. San naman ako kukuha ng ganong damit? Isa pa ayokong nagsusuot ng mga ganun, isipin nyo nang maarte ako pero ayoko talaga ng ganun, hindi ako komportable. Pero nilulunok ko ang pride at kaartehan ko, pinagbibigyan ko yung debutante at nagpapakababae. Para kong si Sunako, parang matutunaw na ko sa sobrang kahihiyan.

Minsan ko na ring naisip na paano kaya pag magdedebut na ko. Ano kayang klaseng debut? Although hindi ako umaasa na mangyayari nga gusto ko lang isipin kung anong mangyayari pagtapak ko ng 18. Hindi ako nageexpect na magiging bongga yun at magiging katulad ng mga debut na napuntahan ko na, siguro dahil na rin sa pera kaya wala akong expectation pagdating sa debut. Kadalasang sinasabi ng mga magulang na walng pera panggastos sa debut ng anak ay.."Debut? Di na uso yan!". Magpapansit na lang kaya ako? MAgpapainom? o wala lang. Wala akong balak magpaparty sa debut ko, pero ano kayag feeling ng magdeebut na may bonggang party wearing a beautiful gown like a princess w/ a handsome escort then im the center of attraction, just like a cinderella story.............. teka (bumalik sa katinuan) ba't ko nga ba naisip yun? Out of curiosity?

Once in a lifetime. Once in a lifetime mo lang mararanasan ang ganun. Once in a lifetime mong pipilitin ang magulang mo na gumastos para sa pagdadalaga mo. Once in a lifetime that you will shine.

Dahil sa lawak ng imagination ko, naimagine ko kung anong gagawin ko sa debut ko. It sounds pretty odd but i like it, haha. Magpapaconcert na lang ako. Hindi totally concert sa araneta. Siguro parang gig lang siya sa isang restaurant w/ the band at ako ang vocalist w/ matching gitara pa. Oha. May kainan syempre, mawawala ba naman yun? Pero di ko alam kung may 18 candles pa at 18 roses, (siguro iinclude na natin). Diba nga its my time to shine for ONCE IN A LIFETIME, kaya kahit hindi ako singer na totoo sana makapagperform din ako kahit sa debut ko man lang.
... Pero....(laging may pero)... imagination ko lang yun, bumalik tayo sa realidad (gumising ka Bai!). Hindi naman importante kung bongga o hindi, kung kakayanin eh di maghanda pero kung wala.. magpainom na lang, yayain ang mga tambay at maglasing, kunwari nagtatampo sa magulang dahil di ka binigyan ng magandang debut kaya ka naglasing, haha!

Maraming paraan para maging masaya ang debut, hindi lang sa pagcocotillion at paggastos ng malaki. Minsan kung ano pa yung simple yun pa ang pinakamasaya at espesyal na mararanasan mo Once in a lifetime.





Note: Ngayong April may kaibigan na naman akong magdedebut. European ang tema. Hmmm, saan naman kaya ako kukuha ng dress? (PROBLEMADO)
 

Template by Best Web Hosting