once there was me and then we were three



Dati ako lang (emo?) pero ngayong tatlo na kami. kakaiba sila sa mga naging kaibigan ko. Dati kasi pag kasama ko yung mga past bestfriend ko ang madalas naming pag-usapan ay puro lovelife. Kung paano mag-ayos at magpaganda para mapansin ng mga boys. Syempre para hindi masabihang KJ eh sumusunod ako kahit hindi ko pa maintindihan kung ano ba yang lovelife na yan at kung pano makipagboyfriend buhat ng aking murang edad, hehe.
Pero nang maging kaibigan ko 'tong dalawa na to eh nawala na sa usapan ang lovelife kahit na yung isa ay may boyfriend na at yung isa ay maraming admirer/suitors/kafling-fling, hehe, samantalang ako naman talaga yung 0% ang lovelife. Ang madalas naming pag-usapan ay puro kalokohan, masasayang bagay, at tungkol sa buhay-buhay( ang drama!)

Imbes na ako ang impluwensyahan nila ng pagkagurlalu nila eh sila pa ang naimpluwensyahan ko ng pagkaboyish ko! haha. Siguro nagsawa na sila sa pagkamaganda nila. Oo magaganda nga sila pero hindi sila tulad ng iba na sosyalin at puro kaartehan ang pinaguusapan. Wag kayong paloloko sa mga itsura nila, hahaha!

Masaya ako dahil naging kaibigan ko sila.
Masaya ako dahil may kaasaran ako. :P
 

Template by Best Web Hosting