Meron akong pinsan
Simula bata’y aking nasilayan
Sya ay mabait
At ako ang masungit
Palagi kaming magkasama
Halos magkamukha na nga
Yun nga lang mas lamang sya sa kin sa ganda
Pero mas matangkad ako sa kanya (haha!)
Nagsasabihan kami ng mga sikreto
Palaging naglalaro
Kay sarap balik-balikan
Ng aming masasayang nakaraan
Alam nya kung ano ang tama
Ako nama’y laging namamaling akala
Sa tatahaking landas alam nya kung saan sya patungo
Samantalang ako laging lumiliko
Ang aking pinsan na kaibigan
Nagtyaga sa kin sa kabila ng aking kamalditahan
Kakwentuhan at kaiyakan
Kasama sa mga kalokohan
Ngayong malaki na kami
Marami nang nagbago sa amin
Pareho na kaming abala
At minsanan na lang kung magkita
Sana’y masaya sya kung saan man sya naroon
Nawa’y sa puso nya ako’y nandoon
Maalala nya sana ang pinsan nyang matigas ang ulo
Pero nagpupumilit na magbago
Hindi ko alam kung naging mabuti akong kamag-anak
Sa tulad nyang iisang anak
Hindi ko alam kung naging mabuti akong kaibigan
Basta alam ko minahal ko sya noon pa man.
Sleep well
Sleep well my dear
Don’t you worry I’ll be here
May you have the loveliest dream
Under the stars so gleam
Leave behind your worries
Just think of the good memories
Put away all your fears
Or you will end up with tears
I’ll be watching you dreaming
Guarded you while you are sleeping
Now close your eyes
And sleep tight
I’ll be here until the sun rise
And the day will be bright
Higit pa sa salamat
Kulang ang salitang salamat
Para sa isang tulad mong tapat
Kaibigang maaasahan
Masasandalan at madadamayan
Higit pa sa salamat ang nais kong ipabatid
Sa tulad mong ubod ng bait
Nalugmok ako sa problema
Ngunit dumating ka at ako’y iyong kinuha
Hindi ka nag-alinlangan
Na ako’y tulungan
Nanatili ka sa aking tabi
Naging karamay at kakampi
Sino ba namang hindi sasaya
Na maging kaibigan ka
Sinong mag-aakala
Na tayo’y magkikita
Pagkakaibigan ay nakatakda na pala
Sa ‘ting dalawa
Patawad kung nagkulang ako
Iyon ay hindi ko ginusto
Patawad kung nawalay ako sa yo
Malapit ka pa rin sa puso ko
Kaibigan kong mahal
Lagi kitang ipinagdarasal
Na maging masaya ka palagi
Kahit ako’y hindi mo na kapiling

Multo, multo, multo
Multo, multo, multo
Anong pangalan mo?
Bakit ka ba nanggugulo?
Sino ba pumatay sa yo?
Kulang ka ba sa pansin?
At bigla na lang sumusulpot kung saan mo naisin
May hindi ka pa ba natatapos na gawain?
At kami’y kailangan mong gambalain
Multo, multo, multo
Hindi ako natatakot sa yo
Ikaw ay yumao
Samantalang ako ay buhay na buto
Multo, multo, multo
Pumunta ka na sa lungga mo
Sa langit o sa impyerno
Kung wala manahimik ka dito sa mundo
Nakakayamot ang magreport!
Ang reporting ay parte ng pag-aaral at bilang estudyante kailangan nating magreport para tumaas ang grade, maenhace ang skills, matanggal ang hiya, masanay humarap sa madlang people at higit sa lahat para walang ginagawa ang teacher. Haha! Nakaupo lang sya habang nakikinig sa boring na reporter.
Ang ayoko sa lahat ay reporting. Para kong si Sunako. Takot humarap sa maraming tao. Ayoko kasing nagpapaliwanag. Naintindihan ko pero hirap akong iexplain. Makasarili eh noh? Gusto ko ako lang ang nakakaintindi. Ayaw ishare. Haha!
Feeling mo matutunaw ka sa harap kasi nakatingin sila lahat sa yo. Sa yo nakatuon ang atensyon nila pwera na lang kung nakakaantok ka magreport.
Sa tulong ng visual aid ay madadagdagan ang grade mo dahil nageffort ka talaga. Kapag babae ang magrereport ay puno ng design ang bawat gilid ng manila paper, pero pag hindi ibig sabihin rush ang paggawa nun. Pag lalaki naman . . . ahmm, parang wala lang.
Naalala ko nung 3rd year ako sa Filipino. By group ang reporting pero isa-isa kayo. Mukha lang akong walang pakealam at walang ibubuga pero nakikipagsabayan ako pagdating sa report. Ang yabang noh? Walang pakealamanan, blog ko to! Nakikibasa ka lang. Napapansin ko kapag ako na ang magsasalita tatahimik na sila lahat. Kabado talaga ako. Parang mas gusto ko pa ngang wag na silang makinig at magdaldalan na lang sila. Mahiyain talaga ako at ayokong nagpapaliwanag kasi iniisip ko baka mali at baka mapahiya lang ako katulad ng mga naunang reporter sa kin. Pero nagkamali ako ng akala. Umaayon sa kin ang tadhana. Wahaha. Laging umaayon sa kin ang aming guro. Tama daw lahat ng sinabi ko at pagkatapos dudugtungan nya pa yun sabay palakpak para sa kin. Yeah!
Hindi ako magaling magpaliwanag at magaling magsalita pero hindi ko akalaing magagawa ko. Ang nirereport ko lang naman ay tungkol sa . . . .mga pananaw sa buhay. Tama, pananaw sa buhay, tungkol sa buhay, mga aral na natutunan sa Noli Me Tangere pagkatapos irerelate sa totoong buhay at iaapply sa kasalukuyan. Kaya ako palagi ang huling nagrereport dahil kumbaga yun ang konklusyon ng kabanata.
Pagkatapos kong magreport ay uulanin na ko ng mga papuri at bati. (ang yabang talaga! Haha) Ang sarap sa pakiramdam. Parang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan at naovercome ang hiya at kaba. Pero . . . ayoko pa rin ng reporting.
Tinanong ko ang mga kaklase ko kung bakit ang tahimik nila pag ako na magrereport. Sa sobrang tahimik nila kulang na lang marinig ko na ang mga kuliglig at ang hangin. Nakapokus talaga atensyon nila sa kin kaya tuloy nakakatakot magkamali at mapahiya sa buong klase. Alam mo ba kung anong sagot nila? Kasi daw minsan lang daw ako magsalita. Ang tahimik ko daw kasi kaya narirrinig lang nila ko pag reporting.
Ayoko talagang magreport lalo na kung hindi ko naiintindihan yung irereport ko. Sa ngayon sablay ako pagdating sa report. Hindi ako nagrereport. Umaabsent ako pag ayoko magreport. Haha. Tandaan, wag tularan.

R.M.
Ang tagal naman ni R.M. I mean ang tagal ng resulta ng pinasa kong manuscript sa isang publishing company. Isang buwan pa bago ang resulta. Ang tagal! Iniisip ko nga baka mareject agad, haha, negative agad. Si Rejected Manuscript. Hindi ko alam kung maganda ba yung kwentong yon. Iniimagine ko na nga agad yung mga comment ng editor eh.
“Ang pangit ng istorya mo!”
“Ang lakas ng loob mo magpasa wala namang kwenta”
“Kulang sa romance! Love story ba yung pinasa mo o horror?!”
“Ang pangit ng conflict”
“Kulang sa impormasyon”
At iba pang pangpahina ng loob. As in rejected talaga! Haha! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nareject yun. Better luck next time? Hmmm. Try and try until you succeed.
Pero ok rin siguro yung nararanasan nating mareject yung istorya natin para lalong maimprove yung writing skills natin (wow, feeling writer). Gusto ko ring malaman kung anong comment ng editor. Baka may mali sa ginawa ko. Baka may dapat baguhin. Baka may dapat itama para next time alam na, next time maganda na, next time maaaprubahan na. Kelan naman yung next time na yun? Haha. Next month? Next year? Next decade? Next generation? Haha!
Sabi ko nga ang isang way para hindi masaktan ay wag umasa. Wag umasang tatanggapin ang istorya mo. Pero iba pa rin yung may faith ka.
Bahala na. Mareject man o hindi magsusulat pa rin ako at gagawa ng mga kwento may kwenta man o wala kasi . . . masaya ako sa ginagawa ko.

Palag ka?!
Sya ay kulot
Pero hindi salot
Bagkus isa syang bayani
Tagapagtanggol ng mga naaapi
Laban sa mga mapagmalaki
Tagapagligtas ng mga inosente
Laban sa mga bayolente
Sigaw pa lang nya mapapaurong ka na
Suntok nya siguradong mapapaungol ka
Sa kanya’y walang gustong kumalaban
Napupuno sya ng katapangan
Wag kang papalag
Siguradong ika’y basag
Wag mo syang papatulan
Hindi ka nya uurungan
Kaya ano?! Palag ka? Wag mo nang subukan!
Kaya sa mga nang-aapi sa kin
Magtago na kayo
Kayo’y kanyang hahabulin
Sapagkat sya’y matulin kung tumakbo.. (haha!)
Ang kaibigan kong matapang
Mukha lang siga pero hindi nanlalamang
Sa kabila ng kaangasan
Ay may pusong babae
Isang mabuting kaibigan
Dahil sya’y nanlilibre (wahaha!)
Kaya kung kayo’y naaargabyado
Tawagin nyo lang ang friend kong daig pa ang superhero
Kaso hindi ko alam ang kanyang numero
Tumutok at sundan nyo na lang ako sa blog ko
Kung hindi sa kanya’y lagot kayo….

The Best
I miss your long straight shiny hair
Your voice I hear everywhere
Your sweetest smile I’ve ever known
Lingers on my mind and couldn’t move on
We play guitar and make some noise
Laugh out loud and talk about boys
We read books and write
We dream so bright
You carried me by your thoughts
Inspire me to live a better life most
You are filled with happiness
For me you are the Best!
Best in advice
Makes my confidence rise
Best singer
I will never tired of hearing your voice forever
Best joker
Bring up some laughter
Best daughter
A princess in the eyes of your father
And last, a Best friend
From God, to me you are sent.

B.I.
B.I. daw ako. Beautiful ang Intelligent, hindi naman masyado.. haha! Bad Influence daw ako. Hindi ko alam kung biro ba yun o totoo. Sinasakyan ko na lang yung sinasabi nya. Baka masabihan pa kong pikon o defensive. Pero sa araw-araw naming pagkikita laging yun ang sinasabi nya. “Niya”, yah, ibig sabihin may isang tao na nagsasabing BI ako. Ayoko na imention, mahirap na baka resbakan niyo pa. Haha.
Kung saan-saan ko daw dinadala yung kaibigan ko. Saan ko ba sya dinadala? Sa Moon?! Sa Core?! Sa Impyerno?! Sa Sun?! Sa ibang planeta?! Saan?!! Sinasama ko daw yung kaibigan ko sa SM North. Oo sinasama ko sya, pero hindi ko sya pinipilit. Hindi ko sinasabing magcutting sya, pabayaan na nya pag-aaral nya, wag na syang mag-aral, magrebelde na sya! Kusang sumasama si Friend, hindi ko sya pinipilit. Gusto nya ring pumunta ng SM. Hmm, baka gusto nya ring isama ko sya sa SM? Malamang. Ililibre ko sya. Haha
Ganon na ba ko kasamang kaibigan para sabihan nyang BI ako? Hindi nya ko kilala para sabihan nya ng ganun. Ang sakit kaya. Kahit na sabihing biro pa yun. Biro pero palagi nyang sinasabi na dumadating sa puntong nakakasakit na sya ng damdamin. (drama!)
Mukhang tinotoo na nya yung declamation ko dati na “Bad Girl”. Yes a bad girl I am, a good for nothing teenager, a problem child! I smoke, I drink, I gamble at my young tender age! I lie, I cheat and I could even kill if I have too!
Kakanta ako ng Ignorance by Paramore para sa kanya , “If I'm a bad person you dont like me” yeah!
Sa kakasabi nyang BI ako mamaya wala nang makipagkaibigan sa kin. Tsk.
Sya: Sinasama mo sya palagi sa SM
Ako: Lagi na nga lang kaming nasa bahay nila eh.
Sya: Buti tinatanggap ka pa ng mama nya.
Ako: (Silence...)
Akalain mong sinabi nya yun? Tumatak talaga sa isip ko. Hindi naman ako ganon kasamang nilalang para kaayawan ng mama ni Friend. Gustong-gusto pa nga ko ng mama nya eh kasi ako lang lagi nakakasama nun at nagtyatyaga sa anak nyang may saltik din sa utak.
Kung BI ako eh di sana niyaya ko na si Friend na magbisyo, uminom ng alak, magyosi, magbarkada, pabayaan ang pag-aaral, kaso lang hindi ako ganon. Alam mo ba kung anong pinepersuade ko sa kanya? Ang magsulat pa ng maraming kwento para matupad yung pangarap nya na maging writer. Kahit ilang beses nang narereject ang manuscript nya ineencourage ko pa rin sya na gumawa. Ako kaya no. 1 fan nya! Eh yung nagsabi sa kin ng BI na yan, fan ba sya? Ni hindi nya nga alam yun. Pinipilit ko si Friend na pagtyagaan yung kurso nya kahit ayaw nya, na tapusin nya yun. Kulang na nga lang eh magalit sya sa kin dahil pati ako pinipilit sa kanya yung ayaw nya dahil yun ang tama.
Sige nga, nung nakilala ako nitong kaibigan ko may nagbago ba? Naging miserable ba buhay nya simula ng makilala nya ko?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nun at sinasabihan akong BI. Hindi nya ko tunay na kilala para husgahan nya ng ganon. Ika nga, kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang.
Hindi sa nagmamalinis ako. Oo may bad sides din ako pero wala naman sa hulog yung bintang nya. Buti sana kung totoo hindi ako papalag. Pasensya na dito pa ako sa blog naglalabas ng sama ng loob. Naghahanap ng kakampi? Haha. Kampihan nyo ko mga followers ko! Haha, biro lang.
Nung huli nyang sinabi yun sa kin hindi na ko pumalag at nanahimik na lang. Gusto ko syang awayin pero ayoko, mabait ako eh.. haha! Hindi ako taklesa at eskandalosa. Kalma lang ako pero sa loob-loob ko sasabog na ko.
Ito lang ang masasabi ko sa kanya... Oo BI ako, BATANG INOSENTE. Wala akong kinalaman sa mga pinagsasasabi nya.
Blogag!
Hindi ko alam kung anong mapapala ko sa pagbablog. Yayaman ba ko dito? Dadami ba fans ko? (parang meron ah) Ano namang mapapala ng mga babasa dito? May epekto kaya sa kanila ang mga pinaglalalagay ko dito? May mga violent reaction kaya sila sa kin?
Well, walang basagan ng trip. Blog ko to eh!
Well, walang basagan ng trip. Blog ko to eh!
Hindi na kita crush Pare
Dear Pare,
Ahmm. . . . ah . . eh. . . may sasabihin sana ako sa yo. Wag ka sanang mabibigla kasi, ahmm . . .
HINDI NA KITA CRUSH eh. Nagulat ka ba? Hmm, bakit? Kasi wala lang. Ewan. Unti-unti na kasing nagvanished yung pagkagusto ko sa yo, hehe. Para kasing walang epekto yung presensya mo sa kin. Hindi naman ako kinikilig (siguro nung umpisa), hindi naman kita tinitingnan ng matagal pag andyan ka. Hindi kumakabog ang puso ko. Para talagang wala nang feelings!
Pero ok lang yan, gwapo ka pa rin naman eh. Siguro naiinsecure lang ako sa yo kasi mas gwapo ka sa kin, haha.
Bakit kaya hindi ka sumali sa Star Factor? Malamang pasok ka dun! At malamang manalo ka rin! Alam mo ba, marami akong magagandang kaibigan, artistahin talaga pero ni isa sa kanila hindi pa rin nagiging artista hanggang ngayon. Sayang mag-aaply pa naman akong P.A. para may sweldo, hehe. Uy! Pag nag-artista ka wag mo kong kalimutan ha! Ako P.A. mo, haha!
Your Pare

Kay hirap tanggapin
Kay hirap tanggapin na ang kurso ko ay Comsci
Parang wala nang saysay
Ang mabuhay
Puno ng sablay
Nagkulang ba ko sa gabay?
Hindi sigurado kung makakapagtapos ng pag-aaral
Tuition ay tumataas habang tumatagal.
Gusto kong mag-aral ng AB English
Pero parang ang hirap mareach
Gusto ko rin ng fine arts
Pero ang pinang-aaralan ko ay mga computer parts
Software, hardware, programming language
Mas gusto ko pang magpasalvage!
Java, Visual Basic, Cisco
Ano ba ito Diyos ko!
HTML, Netbeans, C++
Oh my gosh!
Oracle, Thesis
Sobrang nakakainis!
Computer ang kaharap ko maghapon
Paano na sina Ballpen at Notebook ngayon?
Paano na ang aking passion?
Sa pagsusulat ng mga kwentong pang inspiration
Mga tulang pang competition.
Paano na ang mga libro
Na naghihintay sa akin para mabasa ko?
Ayoko maging programmer!
Gusto ko maging writer!
Oh kay hirap tanggapin
Na ipagpilitan nila sa akin
Ang kursong di ko kayang intindihin
Sa pangarap ko ako’y napalayo
Ngunit pipilitin kong maabot ito
Iba man ang kurso
Ngunit iisa pa rin ang nais ng puso
Ang maging isang magaling na manunulat
Siguradong mamangha kayong lahat!

Panira ng buhay
Alam mo ba pare, nag-iisip ako ng pwedeng makapanira ng buhay ko. Wala lang, trip-trip ko lang. Masyado na kasi akong mabait kaya naisip ko yun..haha.
Iniisip ko kung paano kaya kung magbisyo ako. Magyosi kaya ako? Hmmm…. Ayoko, maawa naman ako sa katawan ko. Payat na nga ko magyoyosi pa ko. Tsaka ayoko sa usok, baka maagnas pa yung baga ko…eeew! Kung maglasing kaya ako? Ayoko rin, mapait ang alak eh. Never akong nasarapan sa alak pwera na lang kung yung wine ay may halong RC, haha! Ayoko yung mga cheap na alak (ayoko na imention) Tsaka pag nalasing ako babaho ako. Mag-aamoy suka ako.. yak! (hindi yung vinegar uh!)
Magdrugs kaya ako? Wag na, hindi matutupad yung pangarap kong tumaba, papayat ako lalo nyan. Isa pa mukha naman akong adik eh, no need na ng drugs.
Maglayas kaya ako? Saan naman ako pupunta?Tsaka wala akong pera. Alangan naman manghingi ako kay mama. “Mama penge pamasahe, lalayas na ko. Di na ko babalik kahit kailan”
Pumatay kaya ako ng tao? Patayin ko lahat ng taong kinaiinisan ko? Mga kapitbahay naming tsismoso’t tsismosa, kriminal, mga kamag-anak namin? Torturin ko kaya lahat sila at kunin lahat ng lamang-loob nila? (brutal eh noh?) Pero . . . . wag na lang. Ayoko sa dugo eh. Kadiri!
Lumabag kaya ako sa batas? Magnakaw, mangholdup, mag-akyat bahay at magpakulong? Pero hindi na daw ako magkakasya sa kulungan , puno na daw yung rehas nila (gets mo? hehe)
Magpakamatay kaya ako? Masakit kaya? Marami akong option pag nagsuicide. Iba’t-ibang paraan ng pagsusuicide pero iisa lang ang pagkakapareho nila . . . MASAKIT! Kaya wag na lang.
Magpaka-adik sa Dota? Hindi ako marunong eh.
Hmmm. Wala na ko ng ibang maisip na paraan. Mukhang hindi ko na masisira ang buhay ko.
Kayo may naisip ba kayo? Magsuggest nga kayo. Malay nyo magustuhan ko at gawin ko, hehe.
Sana may magcomment at magsuggest.

Subscribe to:
Posts (Atom)