Style ko bulok



Ayoko ng dress. Ayoko ng palda. Ayoko ng maikling short. Ayoko ng high heels. Ayoko ng damit na may style. Ayoko magmake up. Ayoko nang . . . . . maging babae, biro lang. Natural lang sa babae ang pumorma at magpaganda. Pero minsan ang complicated talaga lalo na sa porma.

Kamakailan lang ay sinamahan ako ng kaibigan ko na bumili ng damit. Sya ang tumayong stylist ko ng araw na yun. At ang masasabi ko lang ay ang dami nyang alam. Bakit pa bibili ng magandang damit kung pwede namang simple lang para makatipid. Akala mo nga sya ang magbabayad eh. Kinacareer nya ang pagiging stylist.

Siguro kung hindi ko sya kasama non ay kung anong tshirt na lang ang dinampot ko non. As in simpleng tshirt lang. Di naman kasi ako maporma eh. Kaso lang kasama ko sya. Maporma pa naman yun. Kung hindi ko sya kasama malamang hindi ako aabutin ng isang oras o mahigit sa department store para lang makahanap ng damit.

Hindi naman ako mahirap hanapan ng damit dahil parang kahit anong isuot mo sa kin ay babagay (ang yabang) yun nga lang ayoko talaga ng mga pang-gurlalu na damit. Hindi ako komportable. Kaso itong stylist ko gustong baguhin ang style ko para maiba naman daw. Magbabagong taon na kaya dapat bago na rin ang style ko. Magdidisiotso na kaya dapat pumorma ng pangdalaga.

Sinunod ko ang stylist ko pero kada dampot nya ng damit ay pinipintasan ko.. hehe. Maganda naman kaso hindi ko talaga type. Masisiraan na ata sya ng bait dahil ang tigas ng ulo ko. Kada damit ay tinatanggihan ko dahil di ko gusto. Kung anu-anong pinagsususukat namin hindi naman pala bibilhin..hehe.

Hanggang sa napadpad kami sa tyangge. Doon din pala ang bagsak namin. Ayoko kasi ng branded na damit, mahal at hindi ako mayaman. Sa wakas at nakabili ako ng damit yun nga lang panggurlalu pero hindi sya yung katulad nung picture sa taas huh. Grabe, inuto pa ko ng tindera para lang bilhin yun. Di ko na sasabihin kung anong mga pinagsasabi nya dahil baka maniwala pa kayo.



Naisip kong bakit may mga babaeng napakaarte pagdating sa damit? Sa porma? Bakit hindi ako katulad nila? Bakit kailangang magpaganda? hehe. kailangan ba yun sa buhay? Ako ba si Sunako? haha.. Natutunaw na ko... arrghhh...

Hindi ko alam kung mababago ko pa ang style kong bulok. Pero wala yan sa damit, sa ngdadala yan ng damit. Maganda nga ang damit mo kung pangit naman ang ugali mo, wala ring kwenta.

Love at first sight

Una pa lang kitang nakita nagustuhan na kita agad. Pinakilala ka sa kin ng kaibigan ko tapos nagkwentuhan tayo. Yun nga lang nabitin ako sa kwentuhan natin dahil umuwi na kami agad. Sa kagustuhan kong masilayan kang muli ay nakipagkita ako sa yo. Hindi ko alam kung bakit sobra ang paghahangad kong makita ka.

Marami akong nalaman tungkol sa yo. Sobrang napabilib mo ko. Feeling ko nahuhulog na ang loob ko sa yo. Simula nonn lagi na kitang naiisip. Di na ko makapaghintay na makita ka ulit. Nakakaadik ka pala.

Nagkadevelopan tayo. Naging close. Lagi kitang tinititigan. Kulang na lang ay maging tayo na. Yun nga lang bata pa ko noon. Maybe 11 or 12? Hindi pa pwede. But still I spend my time with you.

Pag tuntong ng high school lalo tayong napalapit sa isa't-isa. You always help me in my assignnments, projects and reports. Ang talino mo rin pala. With your help tumaas ag mga grades ko.

As time goes by marami nang nagbago. Sa kabusyhan ko ay nakalimutan na kita. At yun nga, may bagong nagpatibok ng puso ko. Feeling ko sya na talaga ang gusto ko. Unti-untinng nalayo ang loob ko sa yo.

Nagulat na lang ako nang magkolehiyo ako ay ipinagpilitan ka sa kin ng magulang ko. Ang sabi may magandang future daw ako sa yo pero aanhin ko naman yun kung di na ko masaya sa yo? Sinubukan kong mapalapit muli sa yo pero lalong naging complicated ang sitwasyon natin. Nakakasawa kasi ikaw palagi ang kasama ko. Tapos nagulantang ako sa mga natuklasan ko sa yo. Bakit ba ngayon ko lang nalaman ang mga iyon?! Hindi na kita maintindihan. Kaya naman hindi na kita masyadong sinasamahan. Feeling ko susuko na ko dahil sa yo. Paano na yung mga pinagsamahan natin dati? Ang saya-saya ko noon pag kasama ka pero ngayon nakakairita ka na! Dati lagi kitang tinititigan pero ngayon ang sakit mo na sa mata!

Hanggang kailan ba kita pagtitiisan? Hindi tayo magkalebel. Hindi rin tayo bagay. Ikaw lang pala ang bagay dahil wala kang pakiramdam! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko dahil tao ako at Computer ka lang!!

UTANG NA LOOB MAKISAMA KA NAMAN! COMPUTER DAGDAGAN MO PA NG SCIENCE! SINO BA NAMANG DI SASAKIT ANG ULO NON?!



Nagrereklamo,
Bai

Best friends are the best lovers


Nabasa ko ‘to sa isang libro, “Bestfriends are the best lovers” as in more than friends. Totoo ba yun? Siguro. Hindi yun naiiwasan sa magkaibigang babae at lalaki. Nagsisimula naman talaga sa pagkakaibigan ang relasyon.

Parang ganito lang yan eh, kunwari may bestfriend akong lalaki tapos more than friends ang nararamdaman ko sa kanya, as in love ko na sya . . . pero hindi nya yun alam. Lihim akong may pagtingin sa kanya. Natatakot naman akong umamin dahil baka masira ang pagkakaibigan namin kaya hanggang magkaibigan na lang kami.

Ganun ang mga eksena sa drama at libro. Bakit sa dinami-dami ng mamahalin ay bestfriend mo pa?! (Teka, lilinawin ko lang, wala akong gusto sa mga kabigan kong lalaki. Friends lang tayo. Promise! Haha, nangako pa sa blog)

Rewrite

Iniisip ko kung irerewrite ko yung kwentong pinasa ko sa isang publishing company na nareject. Grabe, hindi pa rin makamove on eh noh? Haha. Si RM (Rejected Manuscript), gusto ko syang iopen sa laptop ko at basahin ulit pero ayoko pa sya makita kasi dismayado pa ko. Feeling ko pinaglalamayan ko sya at feeling ko brokenhearted ako. Gusto munang makarecover at makamove on bago ko sya balikan. Di ko pa sya handang harapin! (drama)

Hindi ko alam kung babaguhin ko ba sya o babalikan kahit na feeling ko wala na syang kwenta. Sabi ng Pumuna wala namang espesyal sa bida kong babae. Anong wala?!! Matyaga sya, masipag, lovable, hindi ba niya nakikita yun?! Para ngang masyado nyang tinitira yung character ko pero sabagay ganun naman talaga yun. Pero kailangan ba maging perfect yung bida ko? Mukha daw ewan yung babae. Eh mas mukhang Ewan pa nga si Gominam kaysa sa bida ko. Ang engot ni Gominam at ang slow-slow pa, as in slow makagets. Lahat naman ng bida may kakulangan at minsan mukhang Ewan. Tama na, masyado ko nang pinagtatanggol yung bida ko.

Next na reklamo….


Yung Pumuna, tuod ba sya? Hindi daw sya nakaramdam ng kilig. Natabangan sya sa romansa! Manhid ba sya?! Dinagdagan ko na nga yun ng mga nakakakilig na moments kahit nasusuka ako sa mga pinagtatatype ko dahil ayoko ng mga ganun pero hindi nya pa rin naappreciate. Anong romansa ba gusto nya?! Yung x rated? Siguro yung Pumuna eh isang matandang dalaga/binata, virgin, single, naloko ng lalaki/babae, nabrokenhearted kaya naging bitter at di nakakaappreciate ng mga romance at hindi kinikilig.

Arrggghh!



Siguro ganun talaga. Masakit talaga ang katotohanan. Nakakaisang reject pa lang ako pero ganito na ko magreact. Paano na lang kaya sa mga next kong pasa? Si Pearl nga nakaapat na, ganito rin kaya naging reaksyon nya. Siguro hindi, mukha naman kasing walang pakealam yun eh. Maaaring umiyak sya nung umpisa pagkatapos nun wala na.. hehe (lagot ako pag nabasa nya ‘to)

Siguro kada reject may inaayos. Katulad ni J.K. Rowling. Walong beses daw nareject yung Harry Potter. Siguro kada reject hindi nya tinigilan yung kwento. Inayos niya, nilinis kada reject at kada puna kaya sa kahuli-hulihan natanggap kasi maayos na, malinis at maganda na. Wala nang napunang mali kasi nirewrite nya.


Siguro nga may mali talaga sa kwento ko. Eh kasi naman wala akong kaalam-alam sa mga rormansang bagay. Hindi ko alam kung anong feeling ng nahalikan, nayakap kaya hindi ko sya madescribe ng maayos. Clueless ako. Bumabase lang ako sa mga nababasa ko sa libro. Pero ika nga ni Pearl “wala sa karanasan ang sukatan ng pagiging isang mahusay na writer” Yeah! Akalain mo yun may natutunan pala ako sa kanya.

Nothing in Eighteen

18 things na gagawin ko sa 18th birthday

1. gigising
2. mag-aalmusal
3. maliligo
4. manonood ng tv
5. tutunganga
6. magsasoundtrip
7. manananghalian
8. maghuhugas ng mga pinggan
9. matutulog
10. gigising/magmemeryenda
11. manonood ng tv
12. mag-iinternet... kahit napakakupad ng smartbro
13. kakain ng hapunan
14. maghuhugas ng mga pinggan
15. maghihilamos
16. manonood ng tv
17. magsasoundtrip
18. matutulog


walang sense diba? haha!

Dumating na si RM!

Dumating na si RM as in Rejected Manuscript. Ok lang. Hindi naman ako gaanong nasaktan dahil hindi ako umasa ng ganon kataas. Tama yung editor sa mga sinabi nya. Mukha daw akong tanga este yung bida ko pala. Marami akong natutunan, nadagdagan ang kaalaman ko. Now I know.

Parang sinusubukan ko daw na magpatawa pero hindi naman nakakatawa. Bakit, sinabi ko bang tumawa sila? Hindi kaya, seryoso ako! Haha, galit?

Ito pala ang feeling ng nareject. Para kang nanliliit dahil feeling mo hindi ka magaling na writer. Parang pinanghihinaan ka ng loob. Parang binagsakan ka ng langit at lupa, parang ayaw mo na, parang sasabog ang dibdib mo, parang.... parang .... parang .... parang may isang anghel sa langit na nakalutang sa ulap na nangingitliti, bla bla bla.. di ko na alam ang kasunod. Napapakanta tuloy ako.

Ok lang yan, first time ko pa lang naman eh. Yung iba nga dyan apat na beses o mahigit nang narereject di pa rin tumitigil. At least naranasan kong mareject. haha.

Siguro magiging programmer na lang ako at hindi na writer. At least yun magkamali ka man, computer ang pupuna sa yo at di tao. May error lang na lalabas sa screen mo na hindi masasaktan ang feelings mo. Haha! Biro lang. Mas gugustuhin ko namang maging writer kaysa sa programmer kasi. . . . basta.


November is over. Welcome December!

Kay bilis naman ng panahon. December na. Welcome December! Sana magkasundo tayo at sana sa huling buwan na ito ay may maganda at memorable naman ang mangyari sa kin. Makisama ka Disyembre!

Matatapos na nga lang ang taon wala pa rin akong nagagawang matino. Malas ba ko ngayong 2010? Baka sa pasko wala kong matanggap na regalo. Baka kasi naiirita na sa kin si Santa Claus kasi hindi ako good girl instead I'm naughty, pasaway, matigas ang ulo at ... BI? hehe.


 

Template by Best Web Hosting