Camera Shy
Oscar Season
Written by Mary McNamara
Kaya ko binili yung libro kasi akala ko maganda, . . maganda yung cover eh. Yun pala...
Mapanlinlang ang cover pare! The story sucks! Ito'y opinyon ko lamang bilang isang mambabasa at karapatan ko yun , hehe.
Sa umpisa medyo ok pa para sa kin dahil gusto ko talaga yung mga suspense na kwento. Yung tipong huhulaan mo kung sino ang killer, ganon! Nag-eexpect ako na maganda yung huli. Talagang hinulaan ko kung sino ang killer.
Sa hinaba-haba ng kwento eh hindi ako nasatisfied sa mga pangyayari. Walang scene doon na nagustuhan ko. Pasensya na talaga sa sumulat pero parang mas maganda pa rin ang mga likha ni Tekla at mas may binatbat pa sa kanya ang mga blogger na na-follow ko..hehe.
Welcome to my Planet.
Written by Shannon Olson
Hindi ko alam kung nagagandahan ako sa kwentong 'to. Nagpapatawa yung author kaso hindi ako matawa-tawa, english eh.. hehe. DI rin ako gaanong makarelate kasi 30 years old na sya, adult na at maraming issues sa buhay na di ko pa magets.
Isa pa bakit tinatawag nya sa pangalan ang mama nya? Parang nakakawalang galang naman yun.
Hindi ko alam kung gaganahan kang magbasa nito. Baliw na ata yung author nito kasi nagpapatingin pa sya sa isang counselor o psychiatrist ata yun? Feeling ko nanghihinayang akong binili ko pa yung libro.
Parang wala naman kasi akong natutunan.
Ang pangit ng planet nya.
Book Review: 16 reasons why my life sucks
Written by Sara Walker
Dahil sa wala akong magawa at eto lang ang naisip kong ilagay sa walang kwenta kong blog eh magbobook review na lang ako. Puro pagbabasa at panonood lang ng tv ang inaatupag ko dito sa bahay. Sarap buhay no?
So pare, sisimulan ko na ang walang kwenta kong book review..
Umpisa pa lang ng kwento tawang-tawa na ko. Catchy ang umpisa kaya naman nagkainteres agad akong basahin. Pag boring kasi ang umpisa naboboring na rin akong ituloy. Tungkol ito sa isang dalaga na puro reklamo sa buhay. Kaya nga pamagat pa lang miserable na eh. Inis na inis sya sa mga tao sa paligid nya at wala talaga syang pakealam sa paligid nya. Insecure sya sa ate nya na sikat sa campus, matalino, maganda at palagi syang inaasar. Inis sya sa kapitbahay nilang lalaki na panay din ang tukso sa kanya at ipinagpipilitan ng mga magulang nila na maging magbestfriend sila. So andyan palagi yung guy sa bawat eksena sa buhay nya kaya naman buwisit na buwisit sya. Palagi silang nag-aaway at di magkasundo.
Nagkaroon ng play sa school nila. The play sucks, the story sucks, the cast sucks, the director sucks. Lahat na lang para sa kanya nakakasucks. Kasali sa play ang ate nya named Erica at pati na si Matt, yung kapitbahay slash kaaway nya. Pareho silang lead sa play.
Hanggang sa nagkasakit si Erica at hindi nakapunta sa final rehearsal. Sya ang naisipan ipalit sa ate nya dahil alam nya ang script. Naririnig nya kasing magpractice ang ate nya at si Matt. Inis na inis nga sya kakarinig sa baduy na dialogue ng dalawa. Sa kakarinig sa dalawa eh halos makabisado na nya ang script.
Ayaw nya talaga sumali. Wala syang kainteinteres pero sa huli pumayag na rin sya kahit labag sa loob nya. Sya na rin ang gumanap sa mismong play dahil di pa rin magaling si Erica.
Magaling sya umarte. Succesful ang naging play at lalo silang nagkakalapit ni Matt.
Ayoko na ikwento buong detalye. Basahin nyo na lang.
Ang masasabi ko lang eh nakakakilig kahit wala masyadong ilabyuhan at kacheesyhan sa kwento. Masyadong mareklamo ang bida (parang ako lang).
drawing sa paint
Project ni Jigsaw
Dahil sa magaling kaming gumawa ng tula ni Tekla, (haha ang yabang!) ay sa amin ipinaubaya ni Kawawang Nilalang in short Jigsaw ang project nya. Gagawa ng tula tungkol sa Human development. Matagal na nyang inutos to sa min pero saka lang kami gumawa nung kinabukasan na ang pasahan.. haha! Ganun talaga kami ni Tekla gumawa, pa-last minute. Yung tipong rush na. At yun nakagawa nga kami.
Kay Tekla ang English, sa kin ang tagalog
Infant
Sa aking paligid ako ay naninibago
Sa bisig ni ina ako’y nakahimlay
Isang batang walang kamala’y-malay
Ang takaw ko sa tulog
Pati sa gatas laging busog
Nagsisimula na akong tubuan ng ngipin
Sa sobrang sakit di ko na kayang tiisin
Hanggang sa nagagawa ko nang maglikot
Maglaro, gumulong at magpaikot-ikot
Nagiging pamilyar na sa kin ang mga salita
Nababanggit ko na ang “mama” at “papa”
Walang takot kong sinubukan aking unang hakbang
Di naglaon
Nagawa ko iyon sa tulong ng aking magulang
Childhood
Aking paligid akin nang naiintindihan
Abilidad ko’y unti-unti kong natutuklasan
Nakakakilala na ng mga kaibigan
Ako ay nagiging bibo
Nasosobrahan sa kalikutan
Kaya tuloy minsan ay nasusugatan
Ang dami kong kwento kay mama
Ang dami ko ring katanungan
Punong-puno ako ng kasiyahan
Wag kalimutan ang mag-aral para tumalino
Tumalon, tumakbo, gumuhit, magbasa
Kay saya maging bata!
Adolescence
Pagbabago’y di ko maintindihan
Tumatangkad, buhok kung saan-saan
Tinig ay nag-iiba, ito na ba ang pagdadalaga?
O Diyos ko pahinging tulong!
Parte ba ito ng pagdadalaga?
Di ko alam kung makakayanan ko pa
Magkaroon ng hinahangaan at makaramdam ng kilig
Mangarap at pagplanuhan aking kinabukasan
Pati ang pakikipagtalik ay nagiging palaisipan
Laging nasa galaan
Nagrereklamo pag pinapakealaman ng magulang
Malaki na ko bakit di na lang nila ko hayaan?
Ang gusto ko lang naman ay maging malaya
Adulthood
Kailangan nang magseryoso
Para sa pamilya at pangarap ko
Kahit mahirap hindi ako susuko
Ako na ang nagdedesisyon para sa aking sarili
Sa tatahakin kong landas ako na ang pumipili
Pagkat may sarili na kong pera
Sa katunayan handa na kong bumuo ng pamilya
Ngayong kasama ko na ang aking minamahal
Na kay tagal ko nang pinagdarasal
Inaamin kong di biro ang bumuo ng pamilya
Ang daming pangangailangan at gastos
Sahod ko’y kay bilis maubos
Kailangang makaraos
Old age
Ako’y unti-unti nang nanghihina
Inaalagaan ng aking mga apo
Sadyang kay bilis ng panahon
Hirap na kong magkikilos at tumayo
Uban sa aking buhok
Makakalimutin na at madaling mapagod
Ngunit wala akong pinagsisisihan
Parang kahapon lamang ng akoy magsimulang humakbang
Ngayo’y nalalapit na ang aking katapusan
Mga masasayang karanasan
Hindi ko malilimutan
Dala ko hanggang sa aking kamatayan.
Ilagay ko pa ba pati yung Tekla? hmmm.. Parang nagdadalawang-isip ako. Baka masapawan ako eh, haha! Galing pa naman nun sa English.
BABY
The day an angel like you were born
You cried and cried but that's just fine
'Cause someday the world will see you smile
Your face so sweet, it could erase a frown
You weigh just like the weightless air
These are the reasons why they handle you with care
Your mother said as she caressed your back
You comfort yourself by sucking your thumb
But she gave you milk 'cause she loves you that much
You closed your eyes to take a sleep
Feeling your parent's love enthusiastically
They gently let you sense their warmth
Then you fell asleep in your mother's arms
CHILDHOOD
But my daddy said I needed to go to school
I want to explore today
But my mommy told me I should learn at school
All I should do is play and learn
I live in a time of innocence
Where happiness never ends
And practice roles I've seen in the drama series
I should be a good child to everybody
Develop my skills and creativity
The world where I live is so beautiful
I'm surrounded by things so colorful
I'll face the future positively
But as for now let me have some time to play
ADOLESCENCE
You stare too long in front of the mirror
Thinking of him, holding the scissors
Didn't know why you liked him that much
Didn't know why you wanted to be pretty enough
Tend to be self-conscious just like your peers
You tried to smoke, tried to drink
And made some conflicts with your parents
You struggle with your identity
Wanting to fit in the society
Oftentimes you are insecure
Stressed out and feeling no one understands you
Thinking you needed to be mature
You wear a smile and promised to yourself
Never to change for anyone 'cause love and sex can wait
ADULTHOOD
Developed a legal capacity of an adult
She turned into a woman so beautiful
Had her right of freedom without supervision
They wanted to raise their future children
He asked for her hands, she said yes
And together they build a family of their dreams
She takes care of their children in their home
They both wanted to be good parents
Taught their children how to be independent
Together they do their responsibilities
Worked hard for their family's happiness
Problems would come but they will face it
Because they knew how to do the right thing
OLD AGE
Runs his hands through his white hair
Fixed the placement of his eyeglasses
And sat there quietly, thinking about his diseases
It was only like yesterday when he was once a teen
And now he's a grandparent towards his grandchildren
Watching them grow like what he used to be
Have difficulty in stairs, always having candies in his pocket
Wrinkles and liver spots all over the skin
Poor eyesight, having difficulty in recalling memories
The old man rocked his chair and smiled
Realized he has been there, he has done that
He lived his life without regrets
He is satisfied in life, unafraid to face death
O sige na! Sya na magaling mag-english!
Talagang pinost ko dito yung gawa namin eh noh? hehe.. Para malaman nyo kung gaano kami kagaling..
ok tama na masyado na kong mayabang.