First Love



Oh oh oh awesome! Awesomeness ang movie, haha. Nalaman ko lang 'to kay Tekla. Iba na trip nya ngayon, hindi na Korean, Thailand movies na. Nagsawa na ata at nakakita na naman ng gwapo.

Nung una kong napanood ang trailer, alam mo ba kung anong naisip ko non pare? "Artista ba 'tong mga 'to? Ba't ang papangit nila?" haha. Mapanlait.

Ang ganda ng kwento, sino kaya writer? Idol ko na sya, haha! Ito talaga yung kadalasang nararanasan ng mga teenagers. Makakarelate kahit sino dahil dumaan tayo sa stage na ganon. Habang pinapanood mo sya maaalala mo yung mga childhood memories mo, yung crush mo, mga kalokohan mo, yung first love mo. Iniisip ko nga kung sino first love ko non eh.... parang wala naman? hehe. Ewan.

Nakakakilig, nakakatawa, nakakaiyak, nakakatakot. . . . yung pagmumukha ng teacher nila, haha.

Natulog ako mag-aalas-singko na ng madaling araw dahil sa pinanood ko pa 'to. Buwisit kasi na internet yan eh. Singkupad ng pagong ang buffering.

Maganda ang ending pero bibihira ang ganon. Hindi mo nakakatuluyan yung first love mo.





Ayun! Naalala ko na kung sino first love ko! Si . . . .

Ang alamat ni Repa

Noong unang taon sa high school ay may nag-ngangalang Gladys. Sya ay matangkad, kulot ang buhok na laging nakapusod o nakatali, ehem.. maganda(?), tahimik, mahiyain pero matalino. Sa unang taon nya sa high school ay wala syang kaibigan dahil napahiwalay sya sa mga kaibigan nya na nasa ibang section. Ang mga kaibigan nyang nagturo sa kaniya kung paano maging dalaga at pasukin ang mundo na tinatawag na "lovelife". Nahiwalay sya sa mga tao kung saan sya masaya kaya ngayon ay haharapin nya ang panibagong hamon ng buhay... ang api-apihin.

Akala nya ay sa mga hollywood movies lang nabubuhay ang mga bully yun pala ay makakaharap nya ito at mararanasan ang mabully. Himalang naging Presidente sya ng klase sa kabila ng katahimikan nya. Hindi nya akalaing may mga nakakakilala rin pala sa kanya. Ngayon ay responsibilidad nya ang mga kaklase nya. Isang napakabigat na responsibilidad.

Kahit presidente na sya at sya ang batas ay nakuha pa rin ng mga kaklase nya na apihin sya. Palagi syang inaasar pero hindi siya makapalag. Hindi naman sya masyadong sinasaktan ng pisikal pero mas nasasaktan sya sa mga salitang ibinabato sa kanya. Ayaw nya ng away. Hindi sya marunong makipag-away. Maski ang kanyang guro na lalaki ay sinaktan sya sa pamamagitan ng pagmumura sa kanya at pagsasabing wala syang kwentang presidente. Ipinahiya sya sa harap ng maraming tao, sa klase nila. Nakatayo sya habang sinesermunan. Hindi sya umiyak, hindi sya makagalaw, walang reaksyon ang mukha nya. Parang balewala lang pero sa loob-loob nya ay nasasaktan na sya.

Dalawang beses pumunta ang nanay nya sa paaralan. Una ay para kausapin ang guro niya at pangalawa ay sa mga kaklase naman nya. Hindi nya kasi napigilang sabihin sa kanyang ina dahil nahihirapan na sya at pakiramdam nya ay ayaw na nyang pumasok. Dahil sa matapang ang nanay nya ay natakot ang guro nya. Hindi man nito pinahalata pero nakikita ni Gladys sa mata ng guro nya na natakot din ito at mukhang nakonsensya din sa ginawa nya dahil hindi naman talaga tama ang pagmumura sa estudyante.

Humingi ng tawad sa kanya ang guro nya. Napatawad nya ito pero hindi nya pa rin makalimutan ang ginawa nito sa kanya. Lumayo ang loob nya sa guro nya at hindi na masyadong nakikihalubilo sa klase. Pinagsabihan din ng nanay nya ang mga kaklase nyang nang-aaway sa kanya, karamihan ay mga lalaki. Natural ay natakot din sila at umiwas na kay Gladys pero paminsan-minsan mukhang hindi mabubuo ang araw nila hangga't hindi nakakapanlait ng kapwa.

Maliban sa nanay nya na nagtanggol sa kanya ay to the rescue din naman ang mga kaibigan nya na nasa ibang section. Nireresbakan nila sa labas ang mga nangbubully kay Gladys. May nagtatanggol sa kanya sa labas pero paano sa loob? Sa apat na sulok ng silid kung saan wala syang kawala? Wala syang kakampi. Hindi sya malaya. Tinanong nya ang sarili nya kung bakit hindi sya kasingtapang ng nanay nya at mga kaibigan nya? Bakit ang hina-hina nya?

Mabait naman sya at walang inaargabyado pero inaapi pa rin sya. Nananahimik na nga sya pero pansinin pa rin ng mga tukso.

Hanggang sa tumuntong sya ng 2nd year high school. Masaya sya dahil hindi na nya kaklase ang iba sa mga kaklse nya nung nakaraan. Ngunit may iba na kaklase nya pa rin lalo na yung mga nang-aasar sa kanya. Pagpasok nya ay bagong Gladys na ang nakilala nila. Nagagawa na nyang makipagdaldalan, makiusosyo, magrecite, mag-ingay at . . . magsungit. Hindi na sya mahina katulad ng dati. Nadagdagan ang tapang nya at nabawasan ang hiya. Hindi naman sya basagulera o pasimuno ng away o maldita talaga, mabait pa rin sya pero nagiging ganon lang sya pag may may nagtatangkang pagtripan sya. Kaya na nyang pumalag.

Kaya tinawag na syang Repa (pare) dahil mukha na syang lalaki... haha. biro lang. Kasi hindi na sya katulad dati na babaeng-babae at mahiyain. Iba na ang trip nya sa buhay. Mas gusto nyang maging simple, walang lovelife, magtanggol ng mga inaapi (superhero?) ng mga binubully.

Ngunit, sa kabilang banda ay nagpapasalamat pa rin sya sa mga taong nambully sa kanya. Nang dahil sa kanila ay natututo syang maging matapang, matatag at baguhin ang pananaw sa buhay. Kung hindi nya naranasan yun ay malamang mahina pa rin sya. Kaya ayun..... SALAMAT SA INYO. SANA KUNIN NA KAYO NG MGA KALABAN NI LORD! :D





Ang bag ni Tekla

Ang ikukwento kong ito ay hindi ko karanasan kundi experience ni Tekla. Gusto ko lang ikwento. Talagang ipangangalandakan ko sa madla ang nangyari sa kanya noh? haha. Ganito kasi yun . . .


Katatapos lang ng klase namin sa Laboratory at nung kukunin na nya ang bag nya sa package counter (haha, ano yon mall?) basta sa mga lalagyanan ng bag ay wala na doon. Wala nang naiwang bag dahil nagsialisan na ang mga classmate namin so wala talaga yung bag nya. Inisip namin na baka may nagkamali lang na nakadampot sa bag nya o kaya ay sumabit sa kung kaninong bag pero imposible din naman dahil malaki naman yung bag para mapansin at agad na ibalik. Kaya nang dahil sa bag nya ay medyo natagalan pa kami ng kaunti sa school.

Tinanong na rin namin yung mga classmate namin na buti na lang ay nasa labas pa ng school. Ayun, walang umamin. hehe. Sinabi na rin namin sa mga prof. Miniscall na rin namin yung cellphone nya na nasa bag na wala namang ring at vibrate lang pero out of coverage at unattended. Kaya sabi ko malamang tinanggal na yung sim o baka low bat, o kaya nauna na sa bahay nila. hehe . Ibig sabihin lang talaga nun sinadyang kunin ang bag nya. Pero maliban sa mga classmate namin eh may mga sit-in din naman na andoon sa Lab so may suspect pa kami.

Grabe nandoon pa naman yung mga notebook nya, cellphone, pera, yung notebook nya na naglalaman ng mga compose nyang kanta, mga nirecord nyang kanta, kwintas nya, mga sikreto nya at emoness.. haha. Ang maganda lang doon ay makakabili na sya ng bagong cp at bag, haha. At ang nakakalungkot ay andun yung iba nyang compose.. yah composer sya pare.

Naisip ko, "Yesss.... makikita ko na syang umiyak. This is it!" hahaha! Ang sama kong kaibigan noh? Gusto ko talaga syang umiyak? hehe. Di ko pa kasi sya nakikitang umiyak eh. Si Kawawang Nilalang nga ilang beses na yun umiiyak sa harapan ko pero si Tekla hindi pa. Teary eyes na sya kanina pero walang tumulong luha. Hindi ko alam kung pinigilan nya o naudlot nang dahil sa kin. Sabi nya kasi kung hindi daw ako nagpapatawa ay humagulgol na sya.... weh? para namang gagawin nya yun sa school? Pero feeling ko talaga papaiyak na sya kanina. Ano ba kasing mga pinagsasabi ko? Grabe, nagagawa ko pang magbiro sa mga ganong sitwasyon? Hindi ko na nga rin alam ang gagawin ko eh. Hindi ko alam kung saan ko itatago yung bag nya o ibabalik ko na.. haha.. joke lang. Pag may kaibigan talaga ako na namomroblema na eh wala akong magawa. Wala ba kong kwentang kaibigan?! (emo?) Magsasalita lang ako ng mga bagay na nakakatawa tapos matatawa na sila. Yun lang ang alam kong pangpalubag-loob.

Dapat may CCTV Camera yung school namin eh, hehe.. Computer school pa man din yun. Ayan naranasan na ni Tekla ang manakawan. Inisip ko nga kung paano pag ako yung nanakawan ng bag? Hmmm.. ok lang. Wala namang pera yun eh kasi wala talaga kong pera. I'm poor you know tsaka pipitsuging cellphone lang naman ang nandoon. So hindi ko dadamdamin masyado. Malas pa nung makakakuha ng bag ko, wala naman syang mapapala.


So ayan ang experience ni Tekla. Siguro umiyak yun sa bahay nila. Haaay, mapapalitan din ang lahat ng yun. Mawala man sa kanya ang lahat andito pa rin naman ako para sa kanya... DI PAPANAKAW ANG KAIBIGAN NYANG MATAKAW!

Maligayang Kaarawan Kawawang Nilalang!

1/15/09 Ginawa ko 'to nung high school pa lang kami. Kaya ko sya tinawag na Kawawang Nilalang ay dahil sa ang dami nyang hardships sa buhay, madrama ang life nya. As in kawawa talaga. Mala-telenobela ang buhay nya, kaya ayun. So birthday ni Kawawang Nilalang kaya tayo'y magdiwang!!


Yumayabong ang ating pagkakaibigan
At ang ating samahan ay hindi mapapantayan
Sobrang natutuwa ako at nakilala kita
Hinihiling ko na habambuhay tayong dalawa
Eto tayo magdiriwang ng iyong kaarawan
Lisanin na natin ang malungkot nating nakaraan

Ayokong nakikita kang malungkot
Lalo na kapag nakasimangot
Yaman rin lang na ngayon ay araw mo
Sana ang matamis mong ngiti ang makita ko sa ‘yo
Saan man mapadpad ang buhay natin
Asahan mong tayo’y magkasama pa rin maski sa landas na ating tatahakin

Con-ui, Yashel, taong nagpapasaya sa kin
Oo ikaw nga, kaibigan kong matalik at masayahin
Nais kong batiin ka ng maligayang kaarawan
Uy magpakain ka naman!
Iingatan ko ang ating samahan lalo ka na, na di ko malilimutan.


At ngayong 2011 eto ang bago....



Yayayain mo ba kong pumunta sa iyong kaarawan?
Ang tanong eh meron bang handaan?hehe
Sensya na at wala akong regalo kaya eto na lang
Happy 18th birthday aking kaibigan!
Eto ka’t dalaga na
Lalo kang tumataba

Aaminin kong hindi naging madali ang ating mga pinagdaanan
Lalo na nung hindi na tayo nagkikita at walang usapan
Yan tuloy wala na kong kaasaran
Sobrang namiss kita at laging naaalala
Sana’y kasama kita at napapasaya
At ngayon nga’y magkasama na tayo, umaapaw ang aking ligaya!


College na tayo kaya dapat magseryoso na sa buhay
Oras ay mahalaga kaya bigyang saysay
Ngayong magkasama na tayong dalawa
Uulanin kita ng aking pagmamahal, mga asar, biro at tawa
Ito lang ang alam kong paraan para ika’y mapasaya..

Someone behind you



Nagmovie marathon ako kagabi na puro Korean movie. Di naman ako adik nyan sa Korean noh? Di masyado, nahawa lang ako kay Tekla. Anyway, una kong pinanood yung Someone behind you, horror/suspense sya pare at as usual pinanood ko sya mag-isa sa madilim na sala.. Kailangan talaga na katurn –off ang lights para mafeel ko ang takot pero hindi naman ako masyadong natakot. Matapang ‘to pre!

Medyo nagets ko naman sya. Medyo lang. Wala kasi masyadong dialog at explanation. Nagegets ko lang sya base sa mga kilos.

Tungkol ito sa .. patayan. Si Ka-in(girl), estudyante sya na matapos masaksihan ang pagkamatay ng auntie nya ay sya naman ang sunod na pinupuntirya. Sinasabing dahil may sumpa daw or whatsoever kaya sya na daw yung susunod. Tinangka syang patayin ng classmate nya na syang pinakamatalino sa klase nila na may inggit ata sa kanya (di sure?), teacher nya na nainis sa kanya kasi umalis na yung favorite student nito which is yung classmate nya na papatayin dapat sya, isa pang guy , even yung nanay nya gusto syang tagain, yung boyfriend nya na naghihiganti pala. Halos lahat na ata ng tao sa paligid nya gusto syang patayin. Sa umpisa iisipin mo na sinasapian lang sila pero may mga rason sa likod ng yun.

And my supporting actor pa sa pelikula, as in Supporting talaga, malalaman nyo later. Ang cute nga nung guy eh kahit may pagkamisteryoso yung dating nya. Crush ko na sya pare, haha! Aaligid-aligid sya kay Ka-in tapos magbibigay ng babala like “Don’t trust your friends and family. And don’t even trust yourself”. Wala nang paliwanagan, basta yun na yun kaya ayun wala na nga syang tiwala sa lahat dahil lahat nga gusto na syang patayin.

Sa huli nakipagagawan sya ng kutsilyo sa kapatid nyang babae dahil balak na rin sya nitong patayin pero sa di sinasadyang pangyayari eh sya ang nakapatay dito. Hanggang sa narealize nya na namali sya ng akala. ANG MORAL LESSON DITO KASI AY “MARAMING NAMAMATAY SA MALING AKALA”. Akala nya papatayin sya ng kapatid nya. Akala nya kutsilyo ang dinukot nito sa bulsa nito yun pala family picture lang nila. Kakamatay lang kasi nung magulang nila. Biglang sumulpot yung misteryosong lalaki. Ayaw maniwala ni Ka-in na nakapatay sya. And then sabi nung lalaki, “I only put the knife in your hand. You’re the one who stabbed”. Bigla nyang sinaksak yung lalaki. Hindi tinablan. Yun pala sarili nya yung nasaksak nya. Ayun namatay din sya. So anong ibig sabihin non?

Kaya ko nasabing supporting yung guy ay dahil sa hindi nga sya yung pumatay pero parang sya naman yung nagtulak kay Ka-in na pumatay. Alam mo ba pare kung anong iniisip ko ng mga sandaling yun? Naisip ko na baka may Multiple Personality Disorder si Ka-in. You know that? May isa ka pang pagkatao na di mo namamalayan. Gumagawa ka ng mga bagay na di mo namamalayan at di mo ginustong mangyari. Basta about psychology kasi yun.

Pero sa kabilang banda hindi rin. Hindi naman kasi totoong buhay yung misteryosong guy. Parang nagrerepresent lang sya ng masamang pagkatao ni Ka-in at ng iba pa…. Natin. Ang gulo noh? Magulo talaga ako gumawa ng movie review. Walang kong kwentang critic, haha.

Iniisip ko rin non na baka demonyo yung lalaki? Hehe.Basta maganda yung twist ng kwento. In real life, siguro minsan dinedemonyo talaga tayo kaya tayo nakakagawa ng mga bagay na hindi natin gusto. May mga pumapatay na sa huli eh biglang magsisisi. Yung tipong nagdilim-ang-paningin-alibi, hehe. Minsan pa nga tayo pa mismo ang gumagawa ng dahilan para kainisan tayo ng tao na dumadating sa puntong gusto na pala nya tayong mawala sa mundo.

So, all in all…. Ok sya para sa kin kasi patayan. Ahaha! Pero bakit nga ba someone behind you ang title? Hmmm… Tingin ka sa likod mo… andyan na sya.


Coming Soon


Pinanood ko ito kamakailan lang. Nung nagsine kasi kami ng dalawa kong kaibigan na magboyfriend ay tinanong ako ni Espren kung napanood ko na ba daw yung movie na Coming Soon kasi maganda daw. Tinanong ko kung nakakatawa, sabi nya oo. Ewan ko kung namali lang ba ko narinig o ano? Basta ang ineexpect ko eh nakakatawa sya.

Yun pala …

Horror pala sya pare. Nabingi siguro ako sa sinehan kasi bago magstart yung palabas eh nagpapatugtog pa ang sinehan ng pagkalakas-lakas. Anyways, sa youtube ko lang ‘to napanood ng mag-isa sa isang madilim na kwarto. Feeling ko tuloy eh any moment andyan na yung multo sa tabi ko.

Tungkol ito sa isang movie na akala mo eh totoo talaga. Namamatay ang mga nakakapanood, buti na lang hindi pa ko patay, hehe. Ayoko na ikwento ang buong detalye basta isa itong malaking aral sa mga namimirata ng mga movie, haha.

Ayun, maganda naman sya kaso lang hindi naman nasolusyunan. I mean hindi naresolve yung problema, namatay din kasi yung mga bida. Paano kaya yun, patuloy lang na magmumulto at papatay at mandudukot ng mata yung multo eh di mamamatay yung mga manonood sa sinehan? Tsaka hindi ko nga alam kung nanghihingi ba ng hustisya yung multo o trip nya lang na manakot.

Panoorin nyo kung gusto nyo, hindi ko kayo pinipilit. Panoorin nyo sa isang madilim na lugar at ikaw lang mag-isa para mafeel mong . . . . . . andyan na sya sa tabi mo.

Alerto Bentekwatro!


Simula ng maging kaibigan nya ko, ako na ang bumubusisi at nangingilala sa mga manliligaw nya. Kumbaga, dadaan muna sila sa kin. Ako ang tagakilatis, tagahusga kung karapat-dapat o hindi. Walang nakakalusot sa kin! Maganda kasi sya kaya lapitin ng lalaki. Kabilaan ang manliligaw at ako ang taga-harang. Ewan ko ba kung bakit ako ang tagaharang at tagakilatis. Siguro takot lang ako na mapunta sya sa maling lalaki, ayoko pa namang nasasaktan sya (wow ang drama).

Before nya kasi ako naging kaibigan marami na syang naging boyfriend at kafling-fling. Hindi naman sa pinagbabawalan ko syang magboyfriend (dapat nga bawal pa muna talaga!). Hangga’t maaari umiwas muna sya sa mga manliligaw, wag muna mag-entertain. True love waits nga kami eh, haha. Pero hindi naman sya nagagalit sa kin pag pinapakealaman ko ang lovelife nya.

Kapag nakakaramdam na ko na may lalaking nagpapakita ng motibo sa kanya, andyan ako nakabantay, alerto bentekwatro! Hehe. Sabi nya lagi ko daw nilalait-lait yung mga nagiging boyfriend nya at iba pang lalaki sa buhay nya. Hindi ko daw sinasabi na “hiwalayan mo na sya”, pulos panlalait lang daw ginagawa ko hanggang sa marealize nyang tama ako saka nya hihiwalayan. Haha! Mapanlait! Akalain mong nareailize nya yun pare?!

Ngayon bigla akong napa-isip, masyado ba kong mahigpit sa kanya? Ok lang kaya talaga sa kanya? Sa lahat ng mga naging kaibigan ko sya lang ang trinato ko ng ganito. Yung iba hinahayaan ko lang magboyfriend at di ko pinipigilan, Malaya sila, suportado ko pa nga eh haha!

Ewan ko ba pare! Takot siguro akong mawala sya at agawin. Damayan nya muna ko na walang boyfriend, isa pa bata pa kami, haha. Pag nagkaboyfriend kasi sya baka di na nya ko makasama, paminsan-minsan na lang siguro. Yung bf na nya ang lagi nyang kasama. She will spend most of her time sa bf nya habang ako na bestfriend nya ay naiichapwera na.

Ako muna boyfriend nya sa ngayon. Actually, para na nga nya kong boyfriend. Ako nagtatanggol sa kanya tapos sa tuwing magkaaway kami para akong may gf na dapat amuhin. Kailangan ko pa syang lambingin para lang magbati kami. Ang cheesy! Haha!

Kaya para sa mga manliligaw nya.. Utang na loob lumayo-layo muna kayo kung ayaw nyong tamaan ng lintik na karma!!

 

Template by Best Web Hosting