Written by Sara Walker
Dahil sa wala akong magawa at eto lang ang naisip kong ilagay sa walang kwenta kong blog eh magbobook review na lang ako. Puro pagbabasa at panonood lang ng tv ang inaatupag ko dito sa bahay. Sarap buhay no?
So pare, sisimulan ko na ang walang kwenta kong book review..
Umpisa pa lang ng kwento tawang-tawa na ko. Catchy ang umpisa kaya naman nagkainteres agad akong basahin. Pag boring kasi ang umpisa naboboring na rin akong ituloy. Tungkol ito sa isang dalaga na puro reklamo sa buhay. Kaya nga pamagat pa lang miserable na eh. Inis na inis sya sa mga tao sa paligid nya at wala talaga syang pakealam sa paligid nya. Insecure sya sa ate nya na sikat sa campus, matalino, maganda at palagi syang inaasar. Inis sya sa kapitbahay nilang lalaki na panay din ang tukso sa kanya at ipinagpipilitan ng mga magulang nila na maging magbestfriend sila. So andyan palagi yung guy sa bawat eksena sa buhay nya kaya naman buwisit na buwisit sya. Palagi silang nag-aaway at di magkasundo.
Nagkaroon ng play sa school nila. The play sucks, the story sucks, the cast sucks, the director sucks. Lahat na lang para sa kanya nakakasucks. Kasali sa play ang ate nya named Erica at pati na si Matt, yung kapitbahay slash kaaway nya. Pareho silang lead sa play.
Hanggang sa nagkasakit si Erica at hindi nakapunta sa final rehearsal. Sya ang naisipan ipalit sa ate nya dahil alam nya ang script. Naririnig nya kasing magpractice ang ate nya at si Matt. Inis na inis nga sya kakarinig sa baduy na dialogue ng dalawa. Sa kakarinig sa dalawa eh halos makabisado na nya ang script.
Ayaw nya talaga sumali. Wala syang kainteinteres pero sa huli pumayag na rin sya kahit labag sa loob nya. Sya na rin ang gumanap sa mismong play dahil di pa rin magaling si Erica.
Magaling sya umarte. Succesful ang naging play at lalo silang nagkakalapit ni Matt.
Ayoko na ikwento buong detalye. Basahin nyo na lang.
Ang masasabi ko lang eh nakakakilig kahit wala masyadong ilabyuhan at kacheesyhan sa kwento. Masyadong mareklamo ang bida (parang ako lang).