ok lang yan pare

Minsan hindi mo maiwasang isipin at itanong sa sarili kung bakit hanggang ngayon ay...










wala ka pa ring boyfriend.
Bakit sila meron, ikaw wala. Bakit walang nagkakagusto sa yo? At bakit wala kang nagugustuhan? Tuwing lumalabas ka, nagbabakasakaling makita mo na ang “the one”para sa yo pero …. wala pa rin pare eh. Di mo namamalayan, nakasalubong mo na pala o kaya nalagpasan mo na pero gayunpaman wala ka pa ring pakealam.


Hindi ka naman umaasang magkakaboyfriend at humihiling na magkaboyfriend pero nagtataka ka pa rin kung bakit wala. Dahil ba sa mukha kang lalaki?haha! Sabi nga ni Yeng Constantino “Ok lang maging single sa Valentines Day”









Ok lang yan pare. Malay mo hinahanap ka rin nya. Malay mo, sya rin, nagtataka, napapaisip at tinatanong ang sarili kung bakit hanggang ngayon ay






wala pa rin syang girlfriend. :)

wattpad pare

WATTPAD -dito ako madalas tumambay. Magbasa at magbasa at higit sa lahat magbasa. kaso lang nakakasawa pala pare. Wala na kong makitang kwento na interesting. Ewan, choosy ata ako masyado.

Para kasing paulit-ulit lang yung mga plot, pare-parehas. Tapos yung mga character puro koreano..ewan talaga. Tapos ang hilig nila sa POV as in Point of View ba yun? Pero minsan hindi ko na magets kung kaninong point of view na ba yun. Di ko na malaman kung sino yung nagsasalita. Nakakalito pare eh. Nagaala-editor ata ako. Makapanlait ng kwento noh? haha! Akala mo naman ang galing ko.

Yun kasi yung mga kwentong hindi dumaan sa editor. Iba pa rin talaga pag libro.

Movie Review: Insidious





Nakakatakot sya pare at in fairness natakot naman ako. Yung kasama kong nanood, feeling ko hindi sya sa palabas nagugulat kundi nagugulat sya sa mga nagiging reaction ko dahil first time ever in history nakita nya kong ganun. Nakita nyang nashashocked ako sa mga nangyayari, may reaksyon ako at higit sa lahat.... ehem.....




natakot ako. Ewan ko lang kung napansin nya yung takot thing ko na yun dahil poker face ako. Pero balik tayo sa palabas. Hindi ko alam kung bakit ako natakot..... siguro dahil may demonyo? Ewan. Sinasabi nilang wag kang matakot dahil kasama mo naman si Lord pero nakakatakot talaga yung itsura nya eh. Pero bakit ka nga naman matatakot kung hindi ka nga natatakot gumawa ng kasalanan? [masyado na yata akong serious? Ewan] Siguro sa lahat ng mga nananakot sa palabas sya lang yung totoo.

Hindi ko rin alam kung totoo ba yung Astral projection na yun. Totoo kaya yun pare? Naglalakbay yung kaluluwa mo. Gala ka na nga pag gising hanggang sa pagtulog mo ba naman gumagala ka pa rin?



Basta panalo ang pananakot at ang moral lesson sa palabas na to ay.......




Wag masyadong habaan ang tulog para hindi gumala ang kaluluwa at kung saan-saan napupunta!
[alam ko walang sense yung moral lesson ko.]

Magbasa

"Magbasa. Kung puro ka sulat pero hindi ka naman nagbabasa, kalokohan yon"
sabi ni Lourd de Veyra.
HIndi ko alam kung bakit kinatamaran ko magbasa. Kaya pala wala kong masulat.
Ok, magbasa na tayo simula ngayon, nang may mapala.

Friday the 13th




friggatriskaidekaphobia
- ito daw ang scientific name ng Friday the 13th.... ayy mali, hindi pala scientific name yun, mukha lang ganun pero hindi talaga.. ewan. may history yan eh.

Kahapon ay espesyal na araw dahil araw ko yon!! Its my special day pare! Kaso it turns out to be not exactly what I wanted to be. Parang kwento,may simula, gitna at wakas. Sa umpisa masaya, sa gitna nandun yung conflict, yung medyong dulo yung solusyon tapos sa dulo happy ending.

Hindi ako masyadong umasa na may kakaibang mangyayari sa araw na yun. Inisip kong normal na araw lang yun. Gigising ako tanghali na, magigising ako na disinuwebe na pala ako. Tapos magkakape ako, manonood ng Phineas and Ferb, tapos aalagaan ko ang anak ko... mukha ko lang anak pero kapatid ko talaga. Tapos kakain ng tanghalian, tapos matutulog, tapos paggising ko magmemeryenda at manonood ng Face to face, tappos kakain ng hapunan, tapos magsusulat, tapos matutulog na.



Yun ang normal na araw ko pero hindi ganun ang nangyari eh... KABADTRIPAN. hindi ako naniniwala sa kamalasang dulot ng friday the 13th na yan pero parang dahil sa nangyari feeling ko tuloy totoo.

kabadtripan ang araw na yun. Alam mo yung feeling na parang gusto mong pumatay sa mismong araw ng birthday mo. Sirang-sira ang araw mo eh. Feeling ko ako si Jason, yung killer sa movie na Friday the 13th.. hehe



Pero sa huli.. nanaig pa rin ang kabutihan, haha! Ang saya na.. may cake na nga, feeling mo pa nanalo ka sa wiltime bigtime! hahaha!Hindi pa rin malas kung tutuusin dahil kahit papaano may magandang nangyari.
Salamat sa mga bumati, abot tenga aking ngiti :)

ang Moral Lesson sa araw na to ay laging may happy ending at...





















HINDI MALAS ANG FRIDAY THE 13TH DAHIL BIRTHDAY KO YON!!!!!!!!!!!!!!!!! HAHAHAHA

Movie Review: WHO ARE YOU?




Nakakatakot pero hindi ako natakot syempre. Natawa pa nga ko nang makita ko yung itsura ng... ok tama na, spoiler? Haha. Nacurious lang ako dahil bakit hindi lumalabas ng kwarto yung anak nya in five years. Tapos pumapatay pa. Parang ako hindi masyadong lumalabas ng bahay, laging nasa kwarto [binukot eh, charot], tapos pumapatay pa... ay mali mukhang papatay lang pala. Kaya ko sya pinanood kasi nakakarelate ako, hehe.

At yun, nasatasfied naman ako sa takbo ng istorya, may twist sa dulo.

At may natutunan din ako..Ang moral lesson sa movie na yun ay wag masyadong magbababad sa computer.

Bago

Dahil bagong taon, bago ang itsura ng blog. Bagong pagkatao. Bago lahat! At bago ang lahat may importante akong sasabihin...







Namiss ko ang blog ko. haha.
Medyo panggurlalu ang background pare, lumelevel up? Sana naman may mga kakwenta-kwenta na ang mga ipopost ko.

What is Love?


I don't know until i get there... Haha!

Ang sakit Pare eh.


Yun ba ung tinatawag na pagibig? Yung tipong lagi mo syang tinitingnan tapos kinakabahan ka pag andyan sya, kinikilig, natataranta, di makahinga parang mamamatay na. Naramdaman ko yun di nga lang halata, POKER FACE eh. Parang istatwa lang pag andyan.

Tapos nagkatext kayo. Di ka talaga umaasa na magiging close kayo at magugustuhan ka nya dahil di ka naman kagandahan. Magkaibang-magkaiba kayo, tao sya ikaw alien. Pero nang lalo mo syang makilala, parang... parang...










parang may isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap at nangingiliti.. lalalalalala..





parang may sumulpot na kaunting pag-asa sa puso mo na baka magkagusto din sya sa syo. As in konti.. sing liit ng bacteria, haha. Umasa ka.










Umasa ka sa walang kwentang pag-ibig. Leche flan! Ayoko nun, gusto ko grahams.. (anong connect?)


Di mo alam kung hindi ka nga talaga gusto o may umepal.

[tula]

Ok na sana ang lahat

nang biglang may umeksena

Gusto ko syang tanggalan ng balat

Pagkat akala ko'y may pag-asa tayong dalawa


Umpisa na sana na ating love story

Pero iba ang nangyari

Paano na ang ating happy ending

Kung kayong dalawa ay may something?




Ang sakit Pare eh. Matatanggap mo pa kung sa ibang babae nagkagusto.. eh kaso talo-talo na eh. Tinalo ka pa ng bestfriend mo. Dagdag pasakit.

Ang Moral lesson sa kwentong ito ay .. WAG UMASA


at..





















Mas masarap ang GRAHAMS kaysa sa LECHE!!!





flan :)








 

Template by Best Web Hosting