Last row




Ito ang kadalasang gawin namin nung 4th year high school kami.

Mula sa kaliwa ay si Pagulayan, vice president. Mahilig kumanta at dumaldal, kumbaga entertainer namin. Masayahin at mataas ang fighting spirit. Masayang kasama, siguradong di ka mabobore.

Sunod si Con-ui, the president. Tuwing papasok sya laging basag, wasak at miserable. Minsan hindi pa nagsusuklay ng buhok tas pagdating sa room bigla na lang iiyak o kaya may masakit sa kanya. Minsan di pa nag-aalmusal o kaya may family problem,financial problem at LOVE problem. Di sya nauubusan ng problema. parang pasan nya ang daigdig. Lagi ko syang tinutukso dati na EMO.

Sunod si Quinones. Happy go lucky. Dala lagi ipod para magsoundtrip. Maingay din, masayahin at pag nagkwento sya, exagge. Maganda sya pero hindi ang handwriting nya.

Sunod ako. Nakatunganga lagi, nag-iisip. Iniisip kung sinong susunod kong patayin sa mga kaklase ko.. haha, joke lang.Minsan nag-iisip ng plot. Minsan nilalait ang mga kaklase ko pero syempre sa isip ko lang.

Sunod sa kin si Villanueva. Hawak lagi cellphone. GM ng GM. Mukhang masungit pero mabait. Laging may lovelife, laging kinikilig.

At ang huli ay si Lescano. Marami-rami na rin syang absent pero oks lang. Chikadora, hilig magbasa ng pocketbook.

So kami yung nasa last row. Yung grupo lang ata namin ang naiiba dahil karamihan sa mga kaklase kong babae ay laging salamin at pangpaganda ang hawak. Make up lagi inaatupag. Matino din naman yung top 1 naming si Santos at katabi nyang si Patriarca na nasa Amerika na.

Gusto ko lagi sa last row kasi kitang-kita mo mga pinaggagawa ng mga kaklase mo at para di rin halata pag nagkokopyahan..haha!

cute sya

kaARTehan


nirenovate ko na ang blog ko dahil dito ko na itatambak ang mga kaARTehan ko... i mean art. Lahat ng aking drawing na parang ewan lang, abstract kuno na parang drawing ng bata.
Isa pa marami kasi followers dito.. haha... kahit na nonsense mga pinagpopopost ko dito.


It's time for a change. I've changed for the better.
 

Template by Best Web Hosting