Waiting for forever




Hanggang kailan ka maghihintay sa taong mahal mo?


Forever? Parang kaya ah.Ang hirap kaya maghintay. Nakakainis kaya yung pinaghihintay ka. Mainipin pa naman akong tao.
Love story to pare at maganda naman sya kahit medyo may pagkaboring. Simple lang yung kwento pero higit sa lahat cute yung bida, haha. Yun yon eh! Nasatisfied naman ako pero hindi ako kinilig.
Ang moral lesson sa palabas na to ay pag ayaw sa yo nung babae..... Iwanan mo! Akala mo naman kagandahan eh!


“good love letters don't beg for love in return” sabi yan nung bida

Sketchpad

May bago akong sketchpad mula sa kaibigan kong maganda..... ang ugali. haha. Syempre happy may pagdodrawingan na ko kaya magdrawing na tayo. Ayun gusto ko lang ipagmayabang at ipagmalaki. Mayabang ako eh. haha.

Nilibre ko pala sya kahapon, mababaw lang ang kaligayahan nya. Kwek-kwek lang at mami solve na sya. Pero pinakain ko muna sya ng pizza at palamig na nung isang araw pa nakadisplay at nilagyan lang ng yelo.. wahahaha.

Natuwa naman ako sa kanya.. Seriously :)
 

Template by Best Web Hosting